Chapter Thirteen

3K 56 12
                                    

ELLA'S POV

Tuesday, 5:30pm

Hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi rin kasi ako makapaniwala sa nakikita ko. Si Patrick, may kayakap na ibang babae. Patrick, anong ibig sabihin nito?

Alam kong wala akong karapatang magalit kasi hindi mo naman ako girlfriend. Pero kasi, nasasaktan ako. Patrick, ano ba ako sa'yo?

"Ella, tara na. Umalis na tayo dito." Bulong sakin ni Tammy.

Pilit kong ginalaw yung mga paa ko. Gustong gusto ko nang umalis. Buti na lang kasama ko si Tammy kasi kung hindi, baka naging statwa na ko dun kanina.

"Tammy, bili muna tayo ng tubig." Sinamahan ako ni Tammy na bumili ng tubig. Umupo muna kami saglit sa isang table sa kabilang canteen. Dalawa kasi yung canteen sa school namin kaya hindi ko sila kita dito. Nung naubos ko na yung tubig ko, umalis na kami ni Tammy.

Pagdating namin sa main gate, nakita namin si Bryan.

"Bryan! Sino yung kasamang babae ni Patrick kanina?" Tanong sa kanya ni Tammy. Tiningnan ko lang si Bryan.

"Ahh, ehh. Eto bang paparating?" May tinuro siya. Pag lingon ko, nakita ko silang dalawa na magkasama. Nagkatinginan kami ni Patrick. Nung nakita niya ako, nag-iba yung reaksyon ng mukha niya. Hindi ko maipaliwanag kung anong emosyon yung nakita ko sa kanya.

Lumapit sila samin. Tiningnan ako ni Patrick sabay ngiti. "Ella, Tammy, si Kristine nga pala." Pinakilala niya yung babaeng kasama niya. Kristine pala ang pangalan niya. Wala pa yatang nababanggit na ganun si Patrick sakin.

"Hello! Nice meeting you." Kumaway siya samin ng nakangiti tapos tumingin siya kay Bryan. "Hi Bryan! Dito ka na rin pala nag-aaral." Magkakilala sila?

"Yup. Tagal kitang hindi nakita ah. Buti napadalaw ka dito." Sabi ni Bryan.

"Kailangan ko kasing kausapin si Patrick eh." Sabi ni Kristine. Bakit kaya? Anong meron?

Hindi na pinatagal pa ni Patrick yung usapan kasi bigla na lang niya sinabi na "Sige, una na kami." Tapos naglakad na sila palayo. Ganun lang yun? Wala man lang "Bye Ella" o kaya "See you tomorrow Ella"? Nung nagpaalam siya parang hindi kami magkakilala. Parang nakalimutan na lang niya bigla yung apat na buwang pinagsamahan namin.

"Huy, Bryan! Sino ba talaga yung babaeng yun?" Pangungulit ni Tammy kay Bryan.

Tiningnan muna ako ni Bryan bago niya sinagot yung tanong ni Tammy..

"Si Kristine yung ex ni Patrick."

Waiting ShedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon