Chapter Nineteen

2.8K 55 17
                                    

PATRICK'S POV

Friday, 5:30pm

Excited akong pumunta sa training ngayon. Akala ko kasi makikita ko ulit si Ella pero nagkamali ako. Nawala sa isip kong may practice nga pala sila ng cotillion ngayon. Sayang lang yung excitement ko. Huli kong nakausap si Ella nung Monday pa. Tulad ng sinabi ko kay Bryan, tinanggal ko na sa isip ko si Kristine. Dahil sa ginawa kong yun, lalo ko lang na-realize na mahalaga pala talaga sakin si Ella. Siya pa rin yung hinahanap-hanap ko.

Pagkatapos ng training, nagmamadali akong nag-ayos ng gamit para mapuntahan si Ella sa practice nila. Nung paalis na ko, biglang lumapit sakin si Bryan.

"P're, si Kristine hinahanap ka."

"Ha?!" Nagulat ako sa sinabi ni Bryan. "Ano na namang ginagawa ni Kristine dito?!"

Hindi pa nakakasagot si Bryan nang marinig ko yung boses ni Kristine. "Patrick."

"Kristine. Anong ginagawa mo dito?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Nalaman ko yung tungkol sa inyo ni Ella from Tammy. I just want to say how sorry I am. Hindi ko alam na ganun pala yung sitwasyon niyo nun." Sabi sakin ni Kristine.

"Hindi mo dapat sakin sinasabi yan, kay Ella. Siya yung pinakanaapektuhan sa mga nangyari." Wala siyang sinabi kaya nagpatuloy na lang ako. "Alam mo since you came back, I kept asking myself, bakit ganito? Kung kailan okay na ang lahat, the person from your past has to come back. Tapos naisip ko siguro bumabalik sila to make you realize how much you've changed –  how much you've moved on." Tiningnan ko siya sa mata. "Kristine, I think you came back to remind me not of what I've lost, but what I have right now. At kung gaano ako katanga to let her go like that." I never should have let you go, Ella.

"Don't make the same mistake I did, Patrick. If you can't save the relationship, at least save the friendship." Sabi niya sabay hawak sa balikat ko.

"You're right. I have to go." Umalis na ko pero imbis na dumiretso sa covered court kung saan nagpa-practice sina Ella, pumunta muna ako sa field para mag-isip-isip. Dito sa field kung saan ko naramdamang kailangan ako ni Kristine. Sa field kung saan ako naging makasarili..

Naging makasarili ako. Dahil sa pagiging makasarili ko, minahal ko ulit si Kristine at nasaktan ko si Ella. Si Ella na walang ibang ginawa kundi mahalin ako. Nasaktan ko siya. Yun na siguro ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa ko sa buhay ko.

Si Ella.. "Ella." Napatakbo ako sa kinatatayuan ko. Nasan ka, Ella? Okay na ako. Naayos ko na yung sarili ko. Handa na akong bumalik sa'yo.

Pumunta akong covered court para makita si Ella pero wala nang tao. Tumakbo ako papuntang main gate para abangan siya. Doon ko pinanood ang unti unting pag-alis ng mga tao sa school.

Maya-maya, nalaman ko kay Chris na kanina pa pala natapos yung cotillion practice nila at umalis daw agad si Ella. Kinabahan na ko. Naglakad lakad ako sa parking lot kahit umuulan. Hindi ko alam kung nasan si Ella. Ubos na charge ng phone ko kaya hindi ko naman siya matawagan. Bigla akong napatingin sa waiting shed. Teka..

"Waiting shed!" Alam ko na kung san ako pupunta.

Humaripas ako ng takbo papunta sa waiting shed sa may Malcom Hall. Ella. "Sandali na lang." Bulong ko sa sarili ko. Tumakbo ako sa gitna ng ulan. Wala na kong pakialam kung mabasa ako. Basta ang importante, makita ko si Ella. Kailangan kong humingi ng tawad sa kanya. Gusto kong iparamdam sa kanya na kailangan ko siya. Ella, sandali na lang.

Malapit na ko sa waiting shed namin. Natatanaw ko na yung jeep na dumaan. Binilisan ko pa ng konti hanggang sa makarating na ko sa wakas. Tumigil ako sa pagtakbo at naghabol muna ng paghinga. Tumingin ako sa paligid pero wala..

Wala si Ella.

Waiting ShedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon