Chapter One

5.6K 110 43
                                    

ELLA'S POV

Friday, 7:30pm

Nandito ulit ako sa waiting shed. Naghihintay. Nag-aabang. Umaasang pagkatapos ng lahat ng nangyari... babalik ka sakin. Ito na ang huling araw na gagawin ko 'to. Kapag hindi ka pa rin dumating, titigil na ako. Hindi ko na kaya. Suko na. Bibitawan na kita.

Dito sa waiting shed na 'to tayo unang nagkakilala. Unang nagtawanan. Unang nagkwentuhan. Pinasaya mo ako nung mga araw na malungkot ako. Ganun din ako sa'yo. Sa'yo ko unang narinig ang mga katagang "Gusto kitang mahalin" at "Mahalaga ka sakin". Pero anong nangyari? Bigla kang nawala na parang bula..

Sinabi mong ako ang laman ng bawat ngayon mo. Na handa kang ibigay ang ngayon mo para sakin. Atensyon. Oras. At panahon. Ngunit iniwan mo pa rin ako. Marahil natapos na ang ngayon na tinutukoy mo. Sana'y naisip kong kailanman, hindi ako magiging parte ng bukas mo. Na darating ang panahong kalilimutan mo ako.

Iniwan ko ang isang bagay na matagal ko nang pinanghahawakan, para sa'yo. Dahil umasa ako sa'yo. Sa atin. Nakakalungkot isiping dito tayo magtatapos. Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko para sa'yo, nagawa mo pa rin akong saktan. Ayoko ng ganito.

Gusto kitang makasama kaya ako nandito ngayon. Hindi ko pinapansin ang lamig dahil sa lakas ng ulan. Basta ang alam ko... kailangan kita sa tabi ko. Sana kahit papano, kailanganin mo rin ako ulit. Sana maisip mo rin ako. Sana magawa mo rin akong mahalin at sana... Sana ako ang piliin mo.

Isang oras na ang nakalipas. Wala akong napala kundi basang damit at sapatos. Hindi ka dumating. At hindi ka na darating..

Tumayo ako. Kahit mahirap, nagawa kong umalis. Pinilit kong tanggapin ang katotohanan. Kahit masakit, tinalikuran kita. Binitawan ko ang pag-asang babalik ka sakin. Naglakad ako sa gitna ng ulan kasama ang lahat ng sakit sa dibdib ko – ang isang bagay na 'di ko magawang bitawan.

Hindi pa ko nakakalayo nang may dumaang jeep. Tumigil sa tabi ko kaya't sumakay ako dala ang lahat ng sama ng loob dahil sa'yo at sa ginawa mo sakin.

Sa ilang saglit, napalingon ako sa waiting shed at ikaw ang nakita ko. Mag-isa. Nakaupo at tila naghihintay. Nag-aabang..

.. sa wala.

___________________________________________________________

Hello readers! Hingi lang ako ng maliit na favor sa inyo please? Pwedeng pa-like nung entry ko sa isang writing contest? Itong first chapter ng Waiting Shed ang ginamit ko dun :) pa-click na lang ng external link. Share niyo na rin sa friends niyo please? :D

Help me win po. Salamaaaaaaaaaaaaaat!!! ♥♥♥

EDIT: Nanalo po ako!!! Waaaaah. Maraming salamat sa lahat ng sumuporta :')

Waiting ShedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon