Chapter Eighteen

2.8K 57 20
                                    

ELLA'S POV

Friday, 5:00pm

Kumain kami ni Tammy sa canteen habang naghihintay ng practice para sa cotillion. Ito ang first practice week ng cotillion para sa upcoming Junior-Senior Prom ng school. MWF ang schedule ng 3rd year students na kasali sa cotillion so this is our third day of practice. Merong dalawang representative per class na kasama sa cotillion, isang lalaki at isang babae. Ako yung napili sa class namin at si Chris naman yung partner ko. Si Tammy yung napiling emcee from our batch kaya kasama rin siya sa practices namin minsan, tulad ngayon.

Napansin ko nitong nakaraan, bihira nang pumunta si Patrick sa training namin. Nangyari lang yun mula nung hindi ko na sila nakikitang magkasama ni Kristine. May nangyari siguro sa kanila. Wala nga lang akong idea kung ano yun. Basta ang alam ko lang, malungkot si Patrick nitong mga nakaraang araw. Pero nagbago yun lahat nung Monday.

Pumunta siya sa first practice day ng cotillion. Every Monday kasi sabay yung practice ng 3rd year at 4th year. Mukha siyang masaya pagdating niya sa practice. Nag-hi pa nga siya sakin na parang walang nangyari.

Pagkatapos ng cotillion practice, sabay pa kaming humabol sa training. Nagulat din yung mga kasama namin na biglang sumipot si Patrick tapos kasama pa ako. Pagkatapos ng training, nagpaalam lang siya sakin tapos umuwi na. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya pero yun yung huling araw na nakausap ko siya.

Dahil sa nangyari nung Monday, umasa akong baka bumalik siya sakin. Baka kailanganin niya ulit ako. Baka sakaling bumalik yun dati. Nagsimula ulit akong maghintay sa waiting shed. Tumigil na kasi ako mula nung binalik ko yung panyo sa kanya. Nakakapagod din kasing maghintay araw-araw. Nakakapagod maghintay sa wala. Pero simula nung Monday, sinabi ko sa sarili ko na maghihintay ako ulit – maghihintay ako hanggang matapos yung linggong 'to.

At ngayon na yun. Ngayon ang huling araw na maghihintay ako.

"Ella, okay ka lang ba?" Tanong sakin ni Tammy pagkatapos ng cotillion practice.

"Oo naman. Bakit?" I lied.

"Parang ang tamlay mo kasi buong practice eh. May problema ba?"

"Wala. Okay lang ako." I just forced a smile. Ayoko na rin kasing pag-usapan yung problema kung meron man. "Pauwi ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

"Maya-maya pa siguro. Hihintayin ko pa si Bryan eh. Sabay raw kami umuwi."

"Ah ganun ba? Sige Tammy, una na ko ah. Kailangan ko na kasing umuwi eh."

"Sige. Ingat ka, Ella!" Sabi sakin ni Tammy.

Naglakad na ako palabas ng main gate. Habang naglalakad ako, lalo lang akong nalulungkot. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari mamaya. Natatakot akong harapin ang kung anumang nakatakda para samin ni Patrick. Pero kailangan kong lakasan ang loob ko. Tutal, huli naman na 'to.

Nandito ulit ako sa waiting shed. Naghihintay. Nag-aabang. Umaasang pagkatapos ng lahat ng nangyari, babalik siya sakin. Ito na ang huling araw na gagawin ko 'to. Kapag hindi pa rin siya dumating, titigil na ako. Hindi ko na kaya. Suko na..

Bibitawan ko na siya.

Waiting ShedWhere stories live. Discover now