Chapter Seventeen

2.8K 59 21
                                    

PATRICK'S POV

Monday, 11:30am

Ngayon ang resume ng classes after Christmas vacation. Papunta akong canteen nang makasalubong ko sa may hagdanan si Ella. Nagkatinginan kami ng ilang segundo. Nakita ko sa mga mata niya yung lungkot. Parang may gusto siyang sabihin sakin pero hindi siya nagsalita. Umiwas ako ng tingin, yumuko, at tsaka dumiretso sa paglalakad.

Hindi ko napigilan yung sarili ko kaya lumingon ako. Pagkalingon ko, nandun pa rin si Ella kung san ko siya naabutan kanina. Nakatayo at tila hindi maka-react sa mga nangyari. Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Hindi ko kayang makitang nagkakaganun si Ella. Dati-rati, palaging nakangiti si Ella. Ngayon bihira ko na siyang makitang ngumiti. Kahit sa training halos hindi na rin siya ngumingiti. Palaging expressionless yung mukha niya. Kung hindi man, malungkot naman.

Kasalanan ko 'to. Ako ang nagtanggal ng ngiti sa mukha ni Ella. Dahil sakin kaya siya malungkot ngayon. Ella, patawarin mo sana ako.

Hindi kami nag-usap buong Christmas vacation. Nag-text ako sa kanya ng Merry Christmas pero hindi siya nag-reply. Kahit nung New Year hindi rin siya nagparamdam sakin. Kahit na madalas kong kausap si Kristine noon, hinahanap-hanap ko pa rin si Ella. Dun ko na-realize na importante sakin si Ella. Hindi ko kaya ng wala siya. Pero anong magagawa ko? Kailangan ako ni Kristine at kailangan ko rin siya.

Lumipas na ang ilang linggo pero wala pa ring nagbago samin ni Ella. Pinili ko na lang lumayo dahil alam kong sobra ko na siyang nasasaktan. Lalo na't palagi niya kaming nakikitang magkasama ni Kristine. Halos araw-araw pa rin kasing pumupunta si Kristine sa school namin. Akala ko magpapatuloy lang yung mga ganung pangyayari nang biglang isang araw...

"Patrick, kami na ulit ni Troy." Sabi sakin ni Kristine. Hindi ko maipaliwanag yung tono ng boses niya pero nakita ko sa mukha niyang masaya siya.

Wala akong nasabi. Parang gumuho yung mundo ko. Isa lang naman ang ibig sabihin ng pagbabalikan nila ni Troy, mawawala na ulit si Kristine sakin. Gusto kong sabihin sa kanya na "Pano na tayo? Pano na ako?" kaya lang, matagal nang walang "kami".

"Thank you for being there for me when I needed a friend." Sabi niya sabay yakap sa akin.

Umasa akong may patutunguhan yung relasyon namin dahil sa mga nangyari nitong nakaraan pero ako lang pala yung may gusto ng ganun. All this time, kaibigan lang pala ang kailangan ni Kristine. Mali. Maling-mali talaga. Dahil sa nangyari, pati kami ni Ella naapektuhan.

Pagkatapos ng araw na yun, hindi na kami nagkita ni Kristine. Masaya na ulit siya sa piling ni Troy, ayoko nang pumasok pa sa eksena. Oo, nasaktan ako. Nasaktan ako ng sobra sobra pero wala naman na akong magagawa. Sa sobrang kalungkutan ko, napapadalas na yung hindi ko pagsipot sa trainings. Napansin na ng mga kaibigan ko yung mga pagbabago sakin.

"P're, hindi ka na naman ba magte-training?" Tanong sakin ni Bryan.

"Hindi na muna siguro. Pagod ako eh." Sagot ko sa kanya.

"Hanggang kailan mo ba balak magmukmok ng ganyan? Patrcik, wala na si Kristine. Tanggapin mo na lang. Sinabi ko naman sa'yo dati na hindi magandang idea yung pakikipag-close mo ulit sa kanya eh." Paalala sakin ni Bryan. Kala mo tatay ko eh.

"Pagbigyan mo na ko, p're. Hanggang sabado na lang ako ganito. Pagkatapos nun, wala na kayong maririnig o makikita sakin na pagda-drama."

"Ano nang mangyayari pagkatapos nun?" Tanong niya.

"Hindi ko alam." Diretso kong sagot.

"Pano na si Ella? Hindi ka man lang ba makikipagbati sa kanya?" Makulit din 'tong si Bryan.

"Tsaka ko na iisipin si Ella. Kayo nang bahala sa kanya."

"Hindi ka man lang ba naaapektuhan sa mga ginagawa niya para sa'yo??" Nagulat ako sa sinabi ni Bryan.

"Anong ginagawa niya para sakin?" Nalilito kong tanong sa kanya.

"Wala akong karapatang sabihin yun sa'yo pero sana lang p're, ayusin mo na yung sa inyo ni Ella habang hindi pa huli ang lahat." Mukhang concerned talaga siya samin ni Ella. Ano kayang meron? Ano yung sinasabi niyang ginagawa ni Ella para sakin?

Hindi ako mapakali kaya naglakad ako pauwi. Nagmuni-muni lang ako. 'Di ko na kasi alam kung anong dapat kong gawin eh. Pero sa ngayon, hindi ko pa kayang kausapin ulit si Ella. I'm sorry Ella, pero..

Kailangan ko munang ayusin ang sarili ko.

Waiting ShedWhere stories live. Discover now