Chapter Sixteen

3.1K 61 17
                                    

ELLA'S POV

Thursday, 6:00pm

Papunta na kami ni Tammy sa field para manuod nung free concert. Every year 'to ginagawa sa school namin bago mag Christmas vacation. Wala na sana akong balak pumunta kaya lang nagpasama si Tammy eh. Gusto niya kasi yung mga bandang tutugtog ngayon. Ayoko namang i-let down yung bestfriend ko dahil lang sa wala ako sa mood. Kaya eto kami ngayon sa field, naglalakad-lakad at naghahanap ng magandang puwesto.

Habang naglalakad, nakasalubong namin si Patrick. Kasama niya si Kristine. Hindi na rin ako nagtataka, lagi naman silang magkasama nitong mga nakaraang araw. Pero nagulat ako sa nakita ko. Nakahawak yung kamay ni Kristine sa braso ni Patrick. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib nung nakita ko yun. Aaminin ko, medyo nasanay na rin akong nakikita silang laging magkasama. Pero yung ganito, yung nakikita kong ganyan na sila kakumportable sa isa't isa, hindi ko maiwasang masaktan.

"Uy, Ella! Nandito rin pala kayo." Bati ni Kristine habang nakangiti. Si Patrick, umiiwas lang ng tingin sakin.

"Gusto kasi ni Tammy yung mga bandang tutugtog mamaya eh." Sabi ko sa kanya.

"Talaga, Tammy? Ako rin! Favorite ko yung Cinderella band." Sabi niya kay Tammy.

"Wow! Ako rin favorite ko yun!" Ayos ah. Mukhang magkakasundo sila. Pati ba naman bestfriend ko aagawin na rin sakin?

Hindi ko maiwasang magalit o mainis kay Kristine. Kahit na wala naman siyang ginagawang masama sakin pero kasi, kung hindi dahil sa kanya, hindi sana 'to nangyayari ngayon. Kung hindi siya dumating, hindi sana nawala sakin si Patrick. At sana, hindi ako nasasaktan ng ganito.

Hindi ko alam kung alam ba niya yung status namin ni Patrick bago siya nagpakita samin. Baka kasi all this time, wala naman talaga siyang idea sa kung anong meron samin ni Patrick dati. Pero sana, sana man lang nagtanong siya. Sana man lang inalam niya muna yung mga nangyayari sa buhay ni Patrick bago siya ulit pumasok sa buhay niya.

Pero ang pinakanaiinis ako sa lahat, kay Patrick. Bakit hindi man lang niya nagawang pigilan yung mga ganitong pangyayari? Nabanggit man lang ba niya kay Kristine yung tungkol samin? May ginawa man lang ba siya para hindi ako masaktan ng ganito? Ang labo kasi eh! Hindi man lang siya nagpaalam sakin ng maayos. Sa isang iglap, bigla na lang siyang nawala sakin. Bigla na lang nagtapos ang lahat.

Pero kahit ganun, mahal ko pa rin si Patrick. Oo, mahal ko siya. At hindi ako titigil sa paghihintay sa kanya sa waiting shed na yun. Hindi ko bibitawan yung pag-asang babalik siya sakin.

Sa wakas, nakahanap na kami ng puwesto. Umupo malapit samin sina Patrick at Kristine. Nagsimula na rin yung concert. Nag-eenjoy naman ako kahit papano. Tsaka masaya na rin dahil kasama ko naman si Tammy.

Maya-maya, napatingin ako sa direksyon nina Patrick. Nakita kong nakasandal yung ulo ni Kristine sa balikat niya. Sana hindi na lang pala ako tumingin. Ang sweet nilang tingnan. Hindi ko maiwasang isipin na ako dapat yun. Ako dapat yung kasama ni Patrick ngayon.

Bigla kong naalala yung panyo na binalik ko kay Patrick. Sana pala hindi ko na yun binalik sa kanya. Yun na nga lang sana yung natira sakin, tapos binalik ko pa. Ang hirap. Ang sakit. Sa ngayon kasi..

wala nang natira sakin.

Waiting ShedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon