Chapter Three

4.1K 85 40
                                    

5 months ago...

ELLA'S POV

Wednesday, 4:15pm

Nakaupo ako sa bench ng waiting shed habang naghihintay ng jeep. Ang malas ko naman. Kung kailan maraming tao sa school ngayon, tsaka ako hindi susunduin. Haaay. May activity kasi yung school namin at pwedeng pumasok yung outsiders. And for some reason, gumala yung barkada ko at naiwan akong mag-isa. Well actually, hindi lang talaga ako pinayagang umalis.

Ilang minuto na rin akong naghihintay dito pero hindi pa rin ako makasakay. It's either puno yung jeep or hindi yun yung jeep na sasakyan ko. Kung minamalas ka nga naman. Ang init init pa ng panahon. Ano ba yan!

Nagbasa muna ako ng pocket book habang naghihintay. Mukha namang matatagalan pa ko dito eh. Makapag-relax na muna. Maya-maya, biglang may kumalabit sakin. Inangat ko yung ulo ko para tingnan kung sino.

"Miss, nahulog yung panyo mo." Sabi niya sakin. Hindi ko agad naalis yung tingin ko sa kanya. Ang gwapo niya. At ang ganda pa ng suot niya. Plain black shirt, jeans, tapos sneakers. He's so my type of guy!

Kinuha ko yung panyo sa kanya sabay sabi ng "Thank you."

Nginitian lang niya ko. Ang cute ng ngiti niya! Grabe, killer smile. Kinikilig ako! Ngayon ko lang siya nakita sa campus. Taga rito kaya siya? Bakit naman kasi ngayon pa kami nagkita kung kailan naka-civilian lahat ng tao dito. Hindi ko tuloy malalaman kung schoolmate ko siya.

"Maganda yan." Sabi niya bigla.

"Ha?" Nalilito kong tanong.

"Yung librong hawak mo." Tinuro niya yung binabasa kong libro kanina.

"Ahh. Ito ba?" Akala ko pa naman ako yung maganda. Chos! "Kasisimula ko pa lang eh."

"Saang part ka na?" Tanong niya sakin. Wow, he's actually starting a conversation. 

"Dun sa aampunin na sila ni Count Olaf." Sagot ko.

"Ahh. Sa totoo lang, hindi ko yan nabasa. Pero napanood ko yung movie. Maganda naman." Ngumiti ulit siya. Ang cute! 

Biglang may tumigil na jeep sa may waiting shed. Yun na yung jeep na sasakyan ko, tapos halos wala pang pasahero. Kung kailan nag-eenjoy na ako, tsaka ka naman dumating. Letseng jeep yan!

"Ui sige, una na ko ah." Sabi ko sa kanya sabay tayo. Nagsimula na akong maglakad nang bigla niya akong tinawag.

"Teka lang, miss!" Lumingon ako sa kanya. "Anong pangalan mo?" Lumapit siya sakin.

"Ella." Sinabi ko ng mahina.

"Nice meeting you, Ella." Inabot niya yung kamay niya sakin. "Ako nga pala si Patrick."

"Nice meeting you too, Patrick." Nakipag-shake hands ako sa kanya. Omg. Nahawakan ko yung kamay niya! Nakakakilig talaga! "Sige, alis na ko. Bye." Naglakad na ulit ako papunta sa jeep, buti na lang hindi pa umaalis. Nung pasakay na ko, narinig ko siyang sumigaw ng "Ingat!"

Tiningnan ko siya mula sa jeep na sinasakyan ko. Hindi siya umalis dun, nakatayo lang siya. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya hanggang sa hindi ko na siya matanaw. Napangiti na lang ako. Maya-maya, tiningnan ko yung panyong inabot niya sakin kanina.

Teka, hindi naman sakin 'to ah?!

Waiting ShedWhere stories live. Discover now