Chapter Six

3.4K 65 19
                                    

PATRICK'S POV

Thursday, 6:30pm

Maaga akong umalis sa training para mapuntahan si Ella. May practice kasi yung class nila ngayon para sa intersection ng batch nila. Pumunta akong classroom nila pero wala namang tao dun. Nasan kaya si Ella? Kanina pa hindi nagrereply sakin eh. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi naman sinasagot.

Ano kayang nangyari? Medyo kinakabahan na ko. Hindi naman ganito si Ella eh. Lagi siyang nagrereply sa mga text ko kahit na halos wala na kaming mapag-usapan kasi inaaraw-araw namin yung pagtetext. At kung tumawag man ako, siguradong sasagutin niya yun. Ella, nasan ka ba?

Pinuntahan ko na lahat ng pwedeng pagpraktisan sa school namin. Hanggang sa nakita ko yung isa niyang kabarkada na nasa canteen.

"Tammy!" Lumapit ako sa kanya. "Tapos na ba yung practice niyo? Hindi kasi nagrereply si Ella sakin eh. Tinatawagan ko pero hindi rin sumasagot."

"Baka nasa bag yung phone niya. Nandun sila sa covered court." Sabi niya sakin.

"Sige, salamat! Una na ko dun ah." Tumakbo ako agad papuntang covered court. Pagdating ko dun, sakto, break time ata nila. Nakita ko agad si Ella na kasama yung iba pa niyang kabarkada. Nilapitan ko siya.

"Ella."

"Patrick, anong ginagawa mo dito?" Naglakad siya palayo sa barkada niya at sa iba pa niyang mga kaklase. Kaming dalawa na lang yung nagkakarinigan ngayon.

"Bakit hindi mo ko nirereplyan? Kanina pa ko text ng text sa'yo. Kahit tawag ko hindi mo sinasagot." Hindi ko sinagot yung tanong niya.

"Nasa bag kasi yung phone ko kaya hindi ko napapansin. Bakit ka ba nandito?" Pasungit niyang tanong sakin.

"Pinuntahan kita. Masama ba yun?"

"Hindi naman. Pero may practice kasi kami eh."

"Edi maghihintay ako hanggang sa matapos." Hindi siya sumagot. Nag-isip na lang ako ng magpapangiti sa kanya. "Ella, may naiwan nga pala ako sa'yo."

"Huh? Ano yun?" Nagtataka niyang tanong.

"Yung puso ko. Naiwan ko yata sa'yo." <3

"Tumigil ka nga, Patrick." Waepek yung banat ko! Ang sungit pa rin niya. Tapos bigla na lang siyang naglakad pabalik sa mga kaklase niya. Hinabol ko siya tapos hinawakan ko yung kamay niya. Hinarap ko siya sakin.

"Teka lang, Ella. May problema ba tayo?"

 

"Wala."

 

"Bakit ka nagkakaganyan? May nagawa ba ako?"

 

"Wala."

 

"Ella naman eh. Bakit ba ang sungit mo?"

 

"Eh bakit ba ang kulit mo?!" Pasigaw niyang sinabi. Nagulat ako. First time ko nakitang mainis si Ella. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang nagkakaganyan.

Hindi ko na rin alam kung anong dapat kong gawin.

Tinanggal niya yung kamay ko sa kanya. Tapos naglakad na siya palayo sakin. Dirediretso lang yung lakad niya. Umasa akong lilingon siya sakin pero hindi yun nangyari. Hindi siya lumingon.

Ella, anong nangyayari?

Waiting ShedWhere stories live. Discover now