Chapter Eleven

3.1K 53 19
                                    

PATRICK'S POV

Tuesday, 5:00pm

Dalawang buwan na ang nakalipas mula nung sumali si Ella sa volleyball team. Yun na yata ang pinakamasayang buwan ng taong ito. Halos araw-araw kaming magkausap o kaya magkasama. Halos araw-araw ko na rin siyang hinahatid sa kanila.

Yun ang normal na nangyayari sa buhay namin ni Ella. Akala ko magiging normal din yung araw na 'to, pero nagkamali ako.

Papunta na sana ako sa classroom nina Ella nang biglang..

"Patrick!"

May tumawag sakin. Pero hindi yun ang boses ni Ella. Boses yun na isang taong napaka-pamilyar sakin. Ang boses na akala ko hindi ko na ulit maririnig. Lumingon ako para harapin ang taong nagmamay-ari ng boses na yun.

"Kristine." Mahina kong sinabi. Lumapit siya sakin ng nakangiti. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Totoo nga. Hindi ako nananaginip. Nandito si Kristine sa school namin.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Nandito ako para dalawin ka." Nagulat ako sa sagot niya.

"Bakit? Pano mo nalaman na nandito ako?"

"Sabi kasi ni tita dito ka nag-transfer eh."

Hindi na ako nagsalita ulit. Sa halip, naglakad na ako papunta sa classroom ni Ella. Pero pinigilan niya ko.

"Patrick, sandali lang!" Hinawakan niya yung kamay ko. Para akong napako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw. "Patrick, mag-usap tayo."

"Bakit pa? Para saan?" Inalis ko yung pagkakahawak niya sa kamay ko. Pero hinawakan lang niya ako ulit. Dalawang kamay pa ngayon. Ano bang problema ng babaeng 'to?

"Please, Patrick. Kausapin mo ako."

Hindi ko na napigilan yung sarili ko. Kinuha ko yung kamay niya tapos nagsimula na akong maglakad ng mabilis.

"Teka lang, Patrick! San mo ko dadalhin?"

"Gusto mong mag-usap diba? Pwes, mag-usap tayo." Hinatak ko siya papunta sa canteen. Sa inis ko, nakalimutan ko na yatang babae yung kasama ko.

"Patrick, ano ba! Nasasaktan ako!" Binagalan ko ng konti yung paglalakad tapos hindi ko na rin hinigpitan yung paghawak sa kamay niya. Pagdating namin sa canteen, binitawan ko na siya.

"Oh, ayan. Mag-usap tayo!" Hindi siya nagsalita. Hinintay ko yung sasabihin niya pero wala naman. Nakatingin lang siya sakin kaya ako na lang yung nagsalita. "Anong kailangan mo sakin?" Naiinis kong tanong sa kanya.

"Wala." Sagot niya. Aba, ibang klase rin 'tong babaeng 'to.

"Wala naman pala eh! Ano pang ginagawa mo dito?!"

"Makinig ka muna sakin!" Tiningnan niya ko para siguraduhin na nakikinig nga ako. Nakinig naman ako. "Wala akong kailangan sa'yo Patrick. Pero ikaw.." Tumigil siya saglit. Hinawakan niya ulit yung kamay ko sabay sambit ng mga salitang hindi ko akalaing maririnig ko sa kanya..

"Ikaw yung kailangan ko."

Waiting ShedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang