Chapter Fifteen

3K 58 29
                                    

PATRICK'S POV

Monday, 12:30pm

Malapit na ang Christmas vacation namin at yung huling linggo bago magsimula ang bakasyon, yun yung Intrams Week ng school. Halos buong week walang klase kaya sa tingin ko, mapapadalas yung pagbisita ni Kristine dito. Tsaka mas maaga kasi ng one week yung start ng Christmas break nila.

Hindi ko lubos akalain na mangyayari 'to sakin - na babalik si Kristine at makakasama ko siya ulit. Bumalik siya na parang walang nangyari. Pagkatapos niya akong saktan noon, mahal ko pa rin pala siya. Na-realize ko lang yun nung bumalik siya two weeks ago. Mula noon, nagbago na yung pakikitungo ko kay Ella. Lumayo ako sa kanya kasi alam kong nasasaktan ko siya. Ayokong saktan si Ella pero hindi ko talaga mapigilan yung nararamdaman ko para kay Kristine.

Nung bumalik siya, sinabi niyang kailangan niya ako kaya nandito ako para sa kanya. Nung una naman, gusto ko lang siyang tulungan. Gusto ko lang siyang damayan. Nag-break kasi sila ni Troy - ang lalaking naging dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Kristine. Akala ko tutulungan at dadamayan ko lang si Kristine pero nagkamali ako. Unti-unting nahulog muli yung loob ko sa kanya.

"Patrick!" Sigaw ni Kristine sakin. Nilapitan ko siya. "Nag-lunch ka na ba?" Tanong niya sakin.

"Hindi pa." Sagot ko.

"Halika, kain tayo!" Hinila niya ko papunta sa canteen namin. Maraming food stalls dun ngayon dahil Intrams Week kaya dun kami bumili ng pagkain.

Pagdating namin dun, bumili na kami ng pagkain tapos nakita ko bigla si Ella. Mag-isa siyang kumakain sa isang table malapit sa binilhan namin ng pagkain. Eto na naman yung nararamdaman ko. Para akong nakokonsensya.

"Diba friend mo yun?" Sabi sakin ni Kristine sabay turo kay Ella.

"Ha?"

"Ayun oh. Ano nga ulit yung pangalan niya? Hmm.. Ella? Tama! Ella nga." Nagulat na lang ako sa sunod na ginawa ni Kristine. "Ella!" Tinawag niya si Ella. Lumingon si Ella sa direksyon namin. Nagkatinginan kami. Ang mga mata niya, parang may sinasabi. Nakakita ako ng lungkot sa mga mata ni Ella.

Hinatak ako ni Kristine papunta sa table ni Ella. "Hi Ella! Pwede ba kaming sumabay ni Patrick sa pagkain?" Ano ba 'to. Ang pangit naman ng sitwasyon ko.

Tumingin muna sakin si Ella tapos tsaka siya nagsalita. "Oo naman." Tapos ngumiti siya. Sana totoo yung ngiti niyang yun. Matagal ko na ring hindi nakikitang ngumiti si Ella.

Umupo ako sa harap niya tapos tinabihan ako ni Kristine at nagsimula na kaming kumain.

Tumagal ng dalawampung minuto yung pagsasama naming tatlo sa table na yun. Halos silang dalawa lang naman ang nag-usap. Madaldal kasi 'tong si Kristine eh. Hindi ako nagsasalita, 'di ko rin naman kasi alam kung anong sasabihin ko. Nahihiya ako kay Ella.

Nung paalis na kami ni Kristine, hindi pa kami nakakalayo nang tawagin ako ni Ella. "Patrick!" Lumingon ako sa kanya tapos nilapitan niya ako. May kinuha siya sa bulsa niya tapos binigay niya sakin. Hindi ko alam, pero parang nasaktan ako sa mga susunod niyang sinabi..

"Binabalik ko na sa'yo. Hindi naman 'to sakin eh."

Waiting ShedWhere stories live. Discover now