Chapter Ten

3.2K 62 9
                                    

ELLA'S POV

Saturday, 8:45am

Magsisimula na yung game pero hindi pa rin kumpleto yung team namin. Mixed kasi ang una ngayon, mamayang hapon pa yung boys and girls division. Kanina pa tinatawagan ni Patrick si Bryan pero cannot be reached naman. Lumapit na samin si coach.

"Patrick, hindi pa rin ba ma-contact si Bryan?" Tanong niya.

"Coach hindi talaga ma-reach eh."

"Patay tayo diyan, baka ma-default tayo."

"Maglalaro na lang po ako, coach." Nagulat ako sa sinabi ni Patrick.

"Ano ka ba! Diba sabi hindi ka nga pwedeng maglaro?" Sabi ko sa kanya.

"Kaysa ma-default yung team. Sayang naman yung training natin kung ganun lang yung mangyayari."

"Sigurado ka bang kaya mo?" Tanong ni coach kay Patrick.

"Yes, coach! Kayang kaya!" Determinadong sagot ni Patrick. Hindi ko na siya napigilan.

Pagkaraan ng ilang minuto, naglaro na kami sa court.

Napansin ng kalaban namin na injured si Patrick kaya siya yung ginawang target. Halos lahat ng bato nila, papunta sa direksyon ni Patrick. Hindi ko alam kung pano natitiis ni Patrick maglaro kahit na injured yung kamay niya. Maya-maya, bigla na lang siyang nag-dive para masalo yung bola pero iba yung nangyari. Natamaan lang yung kamay niya.

Nilapitan ko siya agad para tulungan siyang makatayo. "Patrick, 'wag mo nang ituloy 'to." Sabi ko sa kanya.

"Okay lang ako, Ella. Kaya ko pa." Pero halata ko yung hirap sa mukha niya. Nahihirapan na si Patrick. Buti na lang humingi ng time out yung coach namin.

"Patrick, kamusta yung kamay mo?"

"Kaya ko pa po, coach."

"Okay, guys! As much as possible, 'wag pasaluhin ng bola si Patrick. Okay? Keep up the good work. Tatlo lang lamang nila satin. Habol tayo guys!"

Pagbalik sa court, hindi pa rin namin mapigilan si Patrick sa pagsalo ng bola. Hanggang sa nangyari ulit yung kanina. And this time, tingin ko malala na talaga.

"Patrick, tama na. Itigil na natin 'to." Umiling lang siya. Nilapitan ko na si coach. "Coach itigil na po natin 'to. Hindi na kaya ni Patrick."

"Ella, kaya ko pa." Kontra niya.

"Lalala lang yang kamay mo eh! Tama na kasi, Patrick. 'Wag mo nang pahirapan yung sarili mo." Nag-aalala na talaga ako sa kanya. Hindi na maganda kundisyon ng kamay niya.

"Tama si Ella, Patrick. Hindi na tayo lalaban."

"Coach naman! Kaya ko pa."

"Patrick, tama na! Bakit ba ang kulit mo?? Nag-aalala na ko sa'yo! Baka mapano ka pa kapag tinuloy natin 'to. Please, Patrick. Tama na." Desperada na talaga ako. Sana makinig naman siya sakin. Hindi na talaga 'to makakabuti sa kanya.

Magsasalita pa sana si Patrick ng biglang.. "Coach! Sorry po na-late ako." Dumating na si Bryan. Sa wakas! Siya na yung naglaro para kay Patrick sa second set. At siyempre, hindi na namin pinaabot ng 3rd set. Nanalo kami! Pasok na kami sa finals!

Nagtatatalon kaming lahat sa tuwa. Hindi ko na rin napigilan yung sarili ko. Nilapitan ko si Patrick tapos niyakap ko siya. Pinunasan niya yung pawis sa mukha ko sabay sabi ng..

"Ang galing mo, Ella. I'm your number one fan."

Waiting ShedWhere stories live. Discover now