Chapter Two

4.4K 94 26
                                    

PATRICK'S POV

Friday, 8:00pm

Naaalala mo pa ba? Nakatayo ka at nag-iisa sa lawak ng damuhan at dilim ng kalangitan. Nakatanaw. Nakatulala. Malungkot ka at nag-iisa. Walang karamay, walang kasama. Pero alam mong nandun ako para sa'yo.

Gusto kong itigil ang takbo ng oras kahit na makasarili, dahil malungkot ka. Ayaw ko na malungkot ka. Pero gusto kong kailanganin mo ako. Sana lagi na lang ganun. Sana lagi mo akong kailangan. Kasi ako, kailangan din kita. Kasi mahal kita.

Mahal kita Kristine.

Minahal kita.

Pero ngayong wala ka na sakin, kailangan ko nang itama ang mga mali. Tutal nagawa ko naman yung trabaho ko. Masaya ka na ulit sa piling ni Troy. At ako, hindi na ko dapat pang pumasok sa eksena.

Naging makasarili ako. Dahil sa pagiging makasarili ko, minahal kita. At nasaktan ko si Ella. Si Ella na walang ibang ginawa kundi mahalin ako – pasayahin ako. Nasaktan ko si Ella. Yun na siguro ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa ko sa buhay ko.

Si Ella.. "Ella." Napatakbo ako sa kinatatayuan ko. Nasan ka, Ella? Okay na ako. Naayos ko na yung sarili ko. Handa na akong bumalik sa'yo.

Tumakbo ako papuntang main gate para abangan siya. Doon ko pinanood ang unti unting pag-alis ng mga tao sa school.

Pero hindi ko siya nakita. Umuwi na kaya siya? Hindi. Hindi pwede. Hindi ko na pwedeng palampasin ang araw na 'to. Hindi ko na pwedeng patagalin pa. Baka pati si Ella mawala sakin. Hindi pwede. Hindi ko kaya. Ella, kailangan kita.

"Chris! Nakita mo ba si Ella?" tanong ko sa classmate niya na dumaan sa harap ko.

"Nako p're, kanina pa umalis."

"Eh diba may practice kayo ng cotillion ngayon?"

"Maaga natapos yung practice. Umalis siya agad, mukha ngang malungkot eh."

"Ganun ba?" Kinabahan na ko. "Sige p're, salamat." Naglakad lakad ako sa parking lot kahit umuulan. Hindi ko alam kung nasan si Ella. Ubos na charge ng phone ko kaya hindi ko naman siya matawagan. Biglang lumakas pa yung ulan. Nakita ko yung ibang mga studyante na nakasilong sa waiting shed. Mga wala sigurong payong kagaya ko. Teka..

"Waiting shed!" Bigla akong natauhan. "Oo, tama. Sa waiting shed!" Humaripas ako ng takbo papunta sa waiting shed sa may Malcom Hall. Dun kami unang nagkakilala ni Ella. Dun kami unang nagtawan, unang nagkwentuhan. Pinasaya niya ko nung mga araw na malungkot ako. Sigurado akong siya rin, napasaya ko. Hanggang sa masaktan ko siya..

Ella. "Sandali na lang." Bulong ko sa sarili ko. Tumakbo ako sa gitna ng ulan. Wala na kong pakialam kung mabasa ako. Basta ang importante, makita ko si Ella. Kailangan kong humingi ng tawad sa kanya. Gusto kong iparamdam sa kanya na kailangan ko siya. Ella, sandali na lang.

Malapit na ko sa waiting shed namin. Natatanaw ko na yung jeep na dumaan. Binilisan ko pa ng konti hanggang sa makarating na ko sa wakas. Tumigil ako sa pagtakbo at naghabol muna ng paghinga. Tumingin ako sa paligid.

Wala si Ella.

Napaupo na lang ako sa bench. Mag-isa na lang ako dito. Darating pa kaya si Ella? O baka naman umalis na siya? Ella, sumuko ka na ba?

Hindi. Hindi yun pwede! 'Wag mo akong sukuan. Hindi pa ko nakakahingi ng tawad sa'yo. Hindi ko pa nasasabing maswerte ako nung nakilala kita. Hindi ko pa nasasabing binago mo ako. At higit sa lahat...

Hindi ko pa nasasabing mahal kita.

Waiting ShedWhere stories live. Discover now