Chapter Eight

3.3K 67 22
                                    

ELLA'S POV

Tuesday, 5:30pm

Dalawang buwan na ang nakalipas mula nang magkakilala kami ni Patrick. Habang tumatagal, lalo kaming napapalapit sa isa't isa. Ako rin mismo gumagawa ng paraan para mapalapit sa kanya. Tulad ngayon, nandito ako sa tryout ng volleyball team.

Nagulat si Patrick nang maabutan niya ko dun. "Ella!" Lumapit siya sakin. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.

"Ngayon yung tryout niyo diba?"

"Oo."

"Sasali ako."

"Ha?!" Gulat niyang tanong sakin.

"Nandito ako para sa tryout." Sinabi ko sa kanya sabay ngiti.

"Seryoso ka ba?" Parang hindi pa rin siya makapaniwala. Nakakatawa naman siya. Haha!

"Mukha ba akong nagbibiro?" Nginitian ko lang siya ulit. Nagulat na lang ako nung bigla siyang nagtatatalon sa tuwa.

"Yes! Yes! Coach! Sasali raw si Ella sa team!" Sigaw niya. Nagtinginan silang lahat sakin. Grabe, nakakahiya! Ano ba 'tong si Patrick. Haha.

Maya-maya, nagsimula na yung tryout. First time niya akong makikitang maglaro kaya siyempre, nagpa-impress ako sa kanya ng konti. Mukha namang natuwa siya. Naramdaman kong nakapako yung tingin niya sakin sa buong game.

Pagkatapos ng isang laro, nag-deliberate na kaagad yung volleyball team. Tapos sabay nilang inannounce yung mga nakapasok sa boys and girls team. At siyempre, dahil magaling ako, nakapasok ako sa team! Hahaha! Joke lang. Hindi naman ako ganun kagaling. Pero oo, part na ako ng team ngayon.

Nilapitan ako agad ni Patrick. "Congrats!" Sabi niya sakin.

"Thank you!"

"Ibig sabihin ba nito, sabay na tayo lagi uuwi?" Excited niyang tanong sakin. Sabay kasi ang training ng boys at girls volleyball team. Dalawa kasi yung court samin kaya ganun.

"Tingin ko. Malabo namang sunduin pa ako after training eh." Sabi ko sa kanya. Kaya naman ako sumali sa team para mas marami kaming time na magkasama.

"Ayos! Sobrang saya ko Ella!" Nagtatatalon na naman siya sa tuwa. Hahaha. Nakakatuwa talaga siya, parang bata.

Kung alam mo lang Patrick, sobrang saya ko rin. Kasi halos araw-araw na tayong magkakasama ng matagal. Halos araw-araw ko nang matititigan yung mukha mo. At sa paglipas ng mga araw na yun, sigurado ako..

Lalong mahuhulog ang loob ko sa'yo.

Waiting ShedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon