Chapter Fourteen

3.1K 56 26
                                    

ELLA'S POV

Tuesday, 6:00pm

Siya pala yung ex ni Patrick. Siya yung first love ni Patrick. Anong ginagawa niya dito at bakit niya kailangang makausap si Patrick? Ang daming tanong ngayon sa utak ko. Gulung-gulo na ko. Akala ko magiging normal lang 'tong araw na 'to pero nagkamali ako.

Mag-isa akong naghihintay ngayon sa waiting shed dito sa Malcom Hall. Hindi kasi ako sinamahan ni Patrick eh. Hindi niya ko hinatid. Kaya eto ako, uuwi mag-isa.

Sakto lang yung dating ko sa bahay para sa dinner namin. Pagkatapos kong kumain, dumiretso agad ako sa kwarto ko. Magsisimula na sana akong gumawa ng assignment nang biglang tumunog yung cellphone ko. Nagtext si Patrick.

Sori hndi kta nahatid ngaun. Kailangan ako ni Kristine e.

Nagreply ako sa kanya ng

Ok lng un.

Tapos hindi na siya nagreply. Sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Parang may malaking bato na nakapatong sa dibdib ko. Ang hirap mag-concentrate sa paggawa ng assignment kasi sobrang distracted ako. Pati sa pagtulog, nahirapan ako.

Pagkaraan ng ilang araw, ganun pa rin. Hindi na kami halos nag-uusap ni Patrick. Kahit sa training halos walang pansinan. Sobrang bihira na rin niya mag-text sakin. Dati rati, lagi akong nakakatanggap ng "Good morning" mula sa kanya. Pero ngayon, wala talaga.

Lagi akong naghihintay sa waiting shed tuwing uwian. Umaasang maiisip ako ni Patrick. Baka sakaling maalala niya ako at puntahan niya ako dito. Baka sakaling ihatid niya ako. Baka sakaling bumalik na kami sa dati. Pero hindi yun nangyari.

Patrick, anong nangyayari satin? Bakit biglang ganito? Bakit biglang nagbago?

Habang tumatagal, palala nang palala yung sitwasyon namin. Habang tumatagal, nararamdaman kong..

Unti-unting nawawala si Patrick sakin.

Waiting ShedWhere stories live. Discover now