Chapter Five

3.6K 71 26
                                    

ELLA'S POV

Monday, 5:00pm

Bago kami i-dismiss ng teacher namin, nakita ko na si Patrick na nag-aabang sa labas ng classroom. Mula nung magkita ulit kami sa waiting shed, lagi na niya yang ginagawa. Inaabangan niya ako sa labas ng classroom, sinasamahan sa locker, tapos hinahatid hanggang sa main gate. Ang dami na ngang nagtatanong sakin kung nililigawan ba ako ni Patrick. Sa totoo lang..

Hindi ko rin alam.

Lagi akong kinukulit ng barkada ko pero hindi ko naman sila mabigyan ng matinong sagot. Ano nga ba tayo, Patrick?

Pagkalabas ko ng classroom, kinuha niya agad yung gamit ko. Sobrang gentleman talaga nitong si Patrick. Kaya ko siya gusto eh. Gwapo na nga, sweet pa! San ka pa, diba? Siya talaga yung dream guy ko. Kaya masayang masaya ako nung nakilala ko si Patrick. Lalo na nung naging close kami.

"Ella, susunduin ka ba ngayon?" Tanong niya sakin.

"Oo, bakit?"

"Ayun. Buti na lang! Hindi kasi kita mahahatid kung sakali. May training pala kami ngayon. Nawala sa isip ko eh. Buti pinaalala ni Bryan kanina."

Oo nga pala, kapag wala akong sundo, hinahatid ako ni Patrick hanggang sa bahay namin. Ganyan siya ka-protective. "Ahh. Good luck sa training. Galingan mo ah!"

"Oo naman. Ako pa!" Sabay kindat sakin. Hihi. Nakakakilig talaga. Hindi na niya kailangan galingan pa kasi magaling naman talaga siya. Libero siya sa volleyball team ng school namin. Sobrang cool niya diba?

Pagkalagay ko ng gamit sa locker, bigla siyang nagsalita. "Ella."

"Hmm?" Sinabi ko habang sinasara yung locker ko.

"Gusto mo ba ko?" Napatingin ako bigla sa kanya. Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko naalis yung kamay ko sa lock ng locker ko.

"Hindi mo kailangang sagutin ngayon." Kinuha niya yung kamay ko. Tapos hinawakan niya gamit yung dalawa niyang kamay. Parang sign of assurance. Tumingin siya sakin. Yung seryosong tingin. "Pero gusto kong malaman mo na gusto kita." Tumigil siya saglit..

"Gusto kitang mahalin."

Waiting Shedحيث تعيش القصص. اكتشف الآن