Chapter Nine

3.2K 61 17
                                    

PATRICK'S POV

Friday, 5:30pm

Diretso training agad kami ni Ella pagkatapos ng klase. Mas intense na ngayon yung training namin kasi semis na bukas. Nakalusot na kasi kami sa regionals nung nakaraan.

Sabay na nag-warm up yung boys at girls team. Magkatabi kami ni Ella habang nagwa-warm up. Hindi ko maiwasang titigan si Ella. Ang ganda niya talaga kahit naka sporty attire. Maya-maya, natapos na yung warm up namin at nagsimula na yung drills. This time, hiwalay na yung training namin.

Sa sobrang intense ng training namin, nagkamali ako ng salo sa bola. Biglang sumakit yung kamay ko. Badtrip. Nagka-sprain pa yata ako. Hindi maganda 'to. Bukas na yung competition namin.

"Patrick!" Lumapit sakin si Ella. "Napano ka?" Tanong niya sakin.

"Okay lang ako, nagkamali lang ako ng salo sa bola."

"San masakit?" Hinawakan niya yung kamay ko.

"Aray!" Masakit talaga. Hindi ako nag-iinarte lang. Pero pwede na rin, para lalo siyang mag-alala. Hahaha.

"Shucks, sorry!" Medyo nag-panic na siya. "Naku, ano bang gagawin ko?"

"Teka, teka. Relax ka lang, Ella." Ako naman yung humawak sa kamay niya. "I'm fine, okay? 'Wag ka nang mag-alala."

"Hindi. Sasamahan kita sa clinic. Halika na, tumayo ka na diyan." Hinatak niya yung braso ko. Wala na kong nagawa kundi sumunod sa kanya.

Pagdating namin sa clinic, pina-check ko na yung kamay ko. Naghintay lang si Ella sa receiving area. Pagkatapos i-check yung kamay ko, binalikan ko na si Ella.

"Kamusta? Anong sabi ng nurse?"

"Mukhang hindi ako makakalaro bukas. Badtrip."

"Ha? Bakit? Na-fracture ba? Anong nangyari, Patrick??" Kabado yung tono ng boses niya. Mukhang nag-aalala talaga siya sakin.

"Sprain lang naman. Pero ang advice sakin eh 'wag daw akong maglaro. Kailangang ipahinga yung kamay ko."

Lumapit siya sakin. Hinawakan niya yung braso ko sabay sabi ng..

"Sa susunod, mag-iingat ka ha?"

Waiting ShedWhere stories live. Discover now