Chapter Three - Borrowed Time

171 19 16
                                    

Nararamdaman ko ang mamasa-masa niyang luha na dumadaloy sa aking balikat habang nakayakap lang ako sa kanya.  Yung scene na ito ay para bang. Ako yung nanay, at siya ung anak kong lalaki na nilalait na bakla. Parang ganun. 

Umiiyak lang siya.

We were stuck in that moment... Hanggang sa narinig namin ang malakas na pagtunog ng umiikot na elisi. At yung hangin na parang humahampas sa mukha ko at sinasabi na. Time's up na. Bumitaw ka na.

Inalis niya na yung pagkakayakap niya sakin.

Tapos na. Hay.

Bakit parang disappointed ako?  PWE!

Hinawakan niya ako sa balikat tapos ngumiti. Sabay sabing, "Alam kong sa kaloob-looban mo. Masayang masaya ka dahil nasubukang mong makayakap ng isang poging-poging kagaya ko."

"Huh? Kapal ng mukha mo..." hindi niya ako pinatapos sa pananalita at sinabing,

"...mukha kong pogi." 

"Pogi? Hindi kaya. Bakla! Kung maka-iyak ka wagas, Tss. So, ano? End of the world na ba? Tandaan mo hindi lang ikaw ang namatayan dito. Huwag kang magmukmok na parang ikaw lang ang nawalan..." nawala yung smirk niya at naglakad na ako papalayo. Baka maubusan pa ako ng space sa helicopter eh. "Tss. Di man lang marunong mag-thank you."

Tumingin ako pabalik sa kanya at sinimulan niya nang buhatin yung girlfriend niya.

Nakaupo na ako ng maayos habang pinapanuod ko naman yung lalaki na yun na buhat- buhat ung girlfriend niya. Nang makarating na siya sa may helicopter. Rinig na rinig ko ang pinag-uusapan nila nung Rescuer.

"Sir, hindi niyo po muna pwedeng isama yang babae. Kayo lang po muna, Sir." mahinahon na sinabi nung rescuer.

"Eh bat hindi na ngayon! Kung dadalhin niyo din pala siya."

"Sir. Uunahin po muna nating i-rescue yung mga buhay at yung mga maaari pa pong buhayin."

"O bakit yung mga patay hindi?! TAO din naman sila ah. Pare-pareho lang tayong tao dito! Patay man o buhay. Kaya pasakayin niyo na kami sa loob!" tuluy- tuloy niyang sinabi. Ang kulit naman ng lalaking to. Tss.

"SIR! AYAW PO NAMING PAG-AKSAYAHAN NG ORAS ANG ISANG KAGAYA MO. KUNG HINDI KA MAKA-INTINDI. TABI KA DIYAN! AT MARAMI PANG NANGANGAILANGAN NG TULONG NAMIN!"

Kinwelyo nitong si Titus yung rescuer. Ang tigas talaga ng ulo. 

Nagulat ako nung tumulo yung luha niya. "Bakit nga hindi pwede?"

At si manong naman na bwisit na bwisit na sa kanya. Sinabi na lang. "Kung gusto mong makasabay yang patay na kasama mo. Sumabay ka na lang dun sa susunod. Ok ba yun?!"

Hindi na naka-imik si Titus. Siguro ay napagod na siya sa pakikipagtalo sa isang bagay na alam niya naman na sa huli ay matatalo nga talaga siya. 

Naku. Akala ko ba tigasin to. "Manong!"

At napalingon si manong at si Titus (nakiki-Titus na din ako. FC.)

"Pasakayin niyo na lang yang dalawang yan. Yang lalaki at tsaka yang bangkay na hindi maiwan-iwan ng baklang yan. Ako na lang ang bababa."  

"ANO BA NAMAN KAYO! Ikaw babae! Hindi ito palabas o telenovela para magpakabayani ka diyan! Totoong buhay na to. Wag mong jino-joke joke ang buhay!" okay. Pati sakin. Galit na si Manong. Pero duh? As if naman. Papatibag ako sa kanya.

Love is a Fallacy.Where stories live. Discover now