Chapter VI-b [BWISETa >.<]

80.9K 1.5K 240
                                    

 

Wag kang masyadong magpapaniwala sa mga sinasabi ko Xavier. Wag kang mahuhulog sakin. Para di ka masaktan.

Ang totoo nyan, natutuwa lang ako sayo tsaka gusto kong ibaling sayo lahat ng atensyon ko para makalimutan ko na sya.

Hindi ko pa rin maalis sa isip ko ‘yan. Alam kong mali na kahit wala akong feelings para sa kanya e nililigawan ko sya… pero wala na rin naman akong maisip na paraan kundi ibaling sa iba ang atensyon ko.

Kung di ko sya liligawan, di nya ako papansinin. In the end, hindi magiging okupado ang isipan ko kaya maalala ko naman ‘yong first love ko.

"Ang dami mo ‘yatang iniisip?" Bigla nyang tanong na nagpabalik sakin sa katinuan ko. Nakaupo lang sya sa tabi ko habang tinititigan ako.

"Bakit Sir?” tanong ko at tinitigan din sya pabalik. “Madami KA ba?"

Ang kaninang pamumula nya na sana ay wala na, e bumalik na naman. Hala, nako. May napapansin na ako dito kay Xavier kooo~ Panay na ang pamumula sa mga banat ko kahit ang corny kaya ng mga sinasabi ko. Hihihi.

"Sir, pwedeng mag-kwento?" tanong ko na di nya kinibo. Busy pa kasi sa pag-iwas tingin sakin.

"Alam mo kanina," Silence means yes  at dahil di sya umimik, edi katumbas na din ‘yon ng isang yes.  "May tangna na lalaking gusto kong sapakin ng heels! Langya talaga sya. Pasalamat sya at di ako mahilig sa mga heels na yan kundi sinapok ko na ulo nya! Ang kapal kasi ng mukha, talo pa tatlong encyclopedia sa sobrang kapal. Makalait lang, wagas! Tsk."

Kung may makakarinig man sakin na ibang tao, siguro iisipin nilang kapatid ako ni Sir at nagsusumbong sa Kuya nya. E sa di ko mapigilang di magkwento!

Gusto kong ilabas lahat ng inis ko sa bakulaw na ‘yon para gumaan pakiramdam ko at di ko sya matuluyan ng totohanan.

"Ano ba sabi nya?" Napaharap ako sa kanya nang magtanong sya. Akala ko di sya iimik e.

"Ganito daw ako kasi SINGLE ako. Tapos alam mo ba Sir?  Tinawanan pa ako! Putek! Nakakainis sya, sobra. Ang sarap nyang pagbabatuhin ng hallow blocks." Bayolente na kung bayolente. Masakit din kaya ‘yong mga sinabi nya kanina. Ginatongan pa nya pagiging broken hearted ko. Pota.

"Huwag mo na silang pansinin. Hindi naman mahalaga kung ano ang Relationship Status mo. Ang importante, masaya ka sa buhay mo." Payo nya habang nakatingin lang sa pumapatak na ulan. At hindi ko ikakailang napangiti ako sa sinabi nya.

Ngayon lang kasi ulit ako nakapagsumbong tapos pinayuhan pa ng pinagsumbungan. And it feels good. Masarap kasing isipin na may nakikinig pa rin pala sakin at nakakaintindi.

  

"True Sir!" At umusog ako papalapit sa kanya. "Hindi ba single ka din, Sir?" Tanong ko para makasigurado.

"Yes."

"Ah. So SINGLE ka. SINGLE din ako." Sabi ko habang kunwari ay nag-iisip. Tumingin ako sa kanya at mas lalong napangiti. "SIR!" sigaw ko. Nagulat sya kasi bigla ko nalang hinawakan ang kamay nya.

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon