Chapter VI-a (Stranded kami sa waiting shed)

87.2K 1.5K 254
                                    

"Ewe, ang lagkit ko na! So disgusting!" Ito ang isa sa major reason kung bakit ayaw ko sa PE. Aside sa ayaw ko sa physical activities, nadudumihan ako lagi. I don’t feel fresh anymore, arrgggh!

"Arte teh. Maligo ka. May shower dyan o." Pambabara ni Cyl sakin, di man lang nakidalamhati sa skin kong malagkit na. Tss. Palibhasa, favorite subject nya ang PE.  

Halos labing limang minuto din kaming nakatambay sa comfort room para magpalit at mag-ayos sa sarili namin. Hindi naman sa nagmake-up kami na parang clown… naglagay lang ng pulbo, nagsuklay, at higit sa lahat perfume para mabango~!

Di naman ako ‘yong tipong girly girl pero gusto kong maging presentable kahit papano, lalo na at baka magkasalubong pa ang landas namin ng nililigawan ko na si Sir Xavier. Hihi.

Lumabas kami ng Gymnasium saka dumiretso sa Study Area na katapat lang nito. 

Ep~! Hindi ako mag-aaral. Matutulog lang ako. Hahaha. Wala na kasing ibang tambayan e. Puno naman lagi ang library ng mga geeks kaya dito nalang. Y’know mga kalahi ni Xavier ko.

So as we were making our way to the Study Area, nasa hagdanan na kami nang biglang mahinto si Cyl. "Sa kabila nalang tayo dumaan teh. May mga tao kasi e."

Tumingala ako para malaman kung sino ang tinutukoy nya.  Abwsadbhfb litsi! Kay lamig-lamig ng panahon, nag-init na naman ang ulo ko. Kakapal din ng mga ‘to para tumambay sa hagdan! Sa kanila ‘to, sa kanila?!

"Edi mag-excuse ka." Sabi ko sa kanya habang di inaalis ang tingin sa mga lalaking nakaharang sa dadaanan namin. “Bilisan mo Cyl, gusto ko ng matulog.”

Tumingin sya sakin at napakamot ng ulo nya. Psh. Alam nyo problema sa babaeng to? Ang hina, sobra. ‘yan ang kinaasaran ko sa kanya kung minsan e. Lagi nalang nag-gi-give way.

“Cyl, ano na?” Naiinis kong tanong kaya napilitan na syang mag-excuse me ‘don sa mga lalaki kaso, mga bingi lang talaga siguro sila at di talaga umurong. 

  

"Lakasan mo kaya." utos ko habang naghihintay sa likuran nya.

At sinubukan nga nyang palakasin ang boses nya pero tulad kanina, di pa rin nila narinig o nagbibingi-bingihan lang. Psh. Palibahasa kasi sa mga lalaking ‘to, mukhang malalandi lang pinapansin.

"Sa kabila nalang talaga tayo teh." Pabalik na sana sya sa dinaanan namin pero hinarang ko ang kamay ko para pigilan sya.

Tumingin sya sakin at umiling ako.

And why would I fcking waste my energy para dumaan pa sa kabila kung nandito na ako sa pinakamalapit na daan?! Ano ‘to?! Gaguhan?! 

Pumanhik na ako para nasa may likod na ako ng mga lalaking nakaharang sa hagdan.

Ewe. Hinaharang-harang pa talaga nila ang mga katawan nilang puno sa pawis?! Uber talaga confidence nila.

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon