Trigger 44 - Broaden his horizon

7.4K 111 2
                                    

[Edited Ver.]


Broaden his horizon



Therbie's PoV :

Hindi na dapat ako nagmadaling bumalik dito sa office kung hindi naman pala makakarating ang rason ng meeting na ito. This is an urgent meeting! How come that representative of Tita Annalise couldn't come? Alam niya naman at nasabihan naman siguro siyang importante ang meeting na ito.

Hinarap ko si Yasmine at sinabihan nalang itong bumalik na sa ginagawa niya. Ako naman ay pumasok sa main office ko. Naiinis ako sa hindi natuloy na meeting ngayon, just because that.. irresponsible didn't come! Tapos wala man lang sinabing kahit anong balidong rason kundi 'sorry' lang? Hindi niya ba alam na nasayang ang oras ng ibang ka-meeting niya dahil sa ka-iresponsablehan niya?

He/she shouldn't have presented himself/herself as a representative if he's/she's inefficient and unprofessional. 

Dahil sa nararamdaman kong frustrasyon, nagpasya akong umalis ulit at pumunta sa isang lugar na alam kong makakapagpa-kalma sa akin.


End of PoV

Bella's PoV :

Heto na nga bang sinasabi ko kapag sinabi kong sumakit na naman ang ulo ko kay Mom e. Tapos nalaman rin ng fiancee ko kaya naman nagmamadali iyon tapusin ang business meeting nila para puntahan agad ako.

Naupo si Mom sa gilid ng kama ko at hinaplos nito ang pisngi ko at nag-aalala itong tinitigan ako.

Annalise: "Ayaw mo akong mag-alala sa'yo, pero hindi naman pwedeng hindi ako mag-worry hija. You're overworking, Sweety, and that's not good. Kailangan mo rin naman magpahinga."

Bella: "Mom, I'm fine now. Bigla lang naman sumakit ang ulo ko, siguro sa transition ng weather na naramdaman ko. Ang init kaya dito sa Pilipinas samantalang malamig sa L.A. noong umalis tayo."

Annalise: "Pero magpahinga ka lang ngayon, hija. 'Yang pagsakit ng ulo mo, alam mo naman na dumadalas iyan e. Uminom ka ba ng gamot kanina?"

Tumango ako at binigyan siya ng ngiti na sinisiguro kong maayos na ako.

Annalise: "Nga pala, sinabi ko nalang kay Lloyd na bukas na siya dumalaw dahil pinagpapahinga na kita. Gusto kong matulog ka ng maaga ngayon at walang trabahong iisipin. Kung iniisip mo iyong meeting na hindi mo nadaluhan kanina, ipapaliwanag ko nalang sa kaibigan ko kung anong nangyari para hindi naman sila magalit."

Wala na rin akong nagawa noong kinumutan na niya ako at hinalikan ang noo bago ito lumabas ng kwarto. Tiningnan ko ang cellphone ko na nasa gilid ko noong tumunog ito, tanda na may mensaheng natanggap. It was Lloyd saying some sweet words. Napangiti nalang ako.

Bella: "My sweet talker fiancee. Tss."

Tss. Iyan na naman ang linyang madalas kong masambit. Parang sanay ang labi ko sa 'tss' o 'di kaya ay 'psh' na sambitin at hindi ko alam kung bakit. Parang hindi matatapos ang sasabihin ko ng walang ganoon. Wala naman sigurong ibig sabihin iyon. It's a normal expression, by the way.

Naisip ko iyong sinabi ni Mom na patutulugin niya ako ng maaga. Napailing lang ako. Kung sana madali lang akong antukin, pero hindi naman ako ganoon e. Hindi ko sinasabi kay Mom na for the past three years, hindi na ako nakakatulog ng maayos hanggang sa naging insomnia iyon. Sobrang hirap noon, naiiyak pa nga ako. Kaya kapag hindi ako nakakatulog, idinadaan ko nalang sa mga papeles na kailangang pirmahan hanggang sa nakasanayan ko nang ganoon.

Codename: Princess Trigger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon