Trigger 58 - The shocking truth

967 19 1
                                    

[Edited Ver.]


The shocking truth



Therbie's PoV :

Mataman akong nakatingin kay Belle at nakikinig sa mga sinasabi niya ngayon. Habang naririnig ko iyon,  halo-halong emosyon ang nararamdaman ko pero mas nangingibabaw doon ang takot na baka mawala siya ulit, at ang galit sa taong gumagawa nito. 

Therbie: "Bakit ngayon mo lang sinabi 'to sa'kin?"

Belle: "You might do something behind my back and I don't like that to happen. Kilala ko si Kelvin and he's a dangerous man to deal with."

Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya ngayon. Oo nga pala, anim na taon siyang nawala at namuhay sa ibang katauhan, nagbago na talaga siya. Masaya naman ako sa pagbabagong iyon pero parang nakaka-miss rin makita iyong dating Belle, na matapang at walang inaatrasan.

Belle: "I know what you're thinking, I can see it on your face. Tss. Hindi ako natatakot sa kahit kanino, Therbie. Pero hindi ako pwedeng kumilos ng basta-basta ngayon, lalo na kung may pino-protektahan ako."

Napalingon ako sa kanya sa sinabi niya at dahil sa tuwang naramdaman ko, I kissed her. Just a peck on her lips and my heart's on a turmoil again. 

That's how greatly I am affected by her.

Therbie: "I'll be with you, Belle, in this mission. There's no way I would leave you behind lalo na at magiging mag-asawa na tayo. Magiging iisa na tayo kaya lahat ng desisyon ay tayong dalawa ang mag-d-desisyon. You know that I love you, right?"

Belle: "I know that very well, Therbie. And thank you, for doing this and for understanding me."

Therbie: "Eh kahit naman yata anong mangyari, kikilos at kikilos ka mag-isa at iyon ang hindi ko na papayagang mangyari. Ginawa mo na iyon noon, kaya nga may anim na taon tayong kailangan i-catch-up 'di ba?"

She giggled softly. I like it when she's smiling and giggling like a little girl. Ngayon ko lang kasi nakikita ang tunay na Belle, iyong walang iniisip na mabigat na problema at walang poot at galit sa mundo dahil sa nangyari sa Papa niya noon.

Napatingin kami pareho sa pinto ng office ni Boss noong bumukas iyon at pumasok ang mga agents. May meeting kasi kami tungkol sa sitwasyon ngayon. 

Wala pang alam ang Kelvin na iyon tungkol sa ahensya kaya kailangan naming kumilos para maiwasang lumala pa ang sitwasyon. Like what Belle had said, he's a hella dangerous guy. But I will become the beast when something happened to my loved ones because of him.

Boss: "Nandito na ba lahat?"

Ara: "Nandito na sila, Boss D."

Demi: "Hi, Ara. Long time no see."

Ara: "Same to you, Demi. Kamusta ang future Mrs. Salazar?"

Lahat kami napatingin kay Ara tapos nalipat kay Demi, at talagang nagulat kami sa nalaman. Sakto namang nananahimik kami noong pumasok ang salarin kasama si CJ at fiancee rin niyang si Ela. Nagtataka ang mga itong napatingin sa amin.

Ely: "Anong meron, ba't ang tahimik ninyo?"

CJ: "Baka naman nagulat sa kagwapuhan natin, pare?"

Napailing si Micaela sa sinabi ng fiancee at lumapit kay Demi na napapailing rin at biglang sumama ang tingin kay Ara na parang walang sinabing nag-kibit balikat lang.

Codename: Princess Trigger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon