Trigger 41 - We finally meet

7.8K 118 6
                                    

[Edited Ver.]


We finally meet



Therbie's PoV :

Boss: Therbie, pwede mo bang tawagan si Belle at papuntahin dito ngayon din? May mga itatanong lang sana ako."

Tumango ako at agad tumalima at tinawagan agad-agad si Belle pero hindi ito sumasagot. Inulit-ulit kong tawagan ang cellphone niya pero matagal lang nag-r-ring tapos nagiging 'cannot be reach'. 

Binalingan ko si Boss.

Therbie: "Hindi sumasagot, Boss e."

CJ: "Try ko, pare."

Hinintay ko ang mangyayari pero bigo rin kami noong umiling at nag-kibit balikat si CJ. Ganoon rin ang ginawa ng mga agents pero wala ring Belle na sumagot sa tawag nila. Tiningnan naming lahat ang nag-iisang taong hindi pa tumatawag kay Belle.

Micaela: "Oh? Bakit?"

Demi: "Hindi ka ba nakikinig sa ginagawa namin? My god! What's going on with you? Alam kong tuliro ka dahil sa nangyari kanina pero sinabi na naman ni Boss na wala na iyon e. What's going on with you, seriously?"

Para ngang sobrang tuliro nito kanina pero hindi lang naman ata sa nagawa niyang pag-papatahimik kay Doline noong magtangka itong tumakas, parang may iba pa siyang iniisip.

Demi: "Yah! Micaela Jang, speak!"

Micaela: "Shireo! I have nothing to say, Demi. I'll contact Belle now. Happy?"

Demi: "Not really. Tsk!"

Nagka-iringan pa ang dalawa, na bihirang-bihirang mangyari dahil magkasundo ang dalawang iyan. Something's wrong with Micaela pero parang ayaw nito sabihin. Maya-maya, umiling rin si Ela sa amin kaya nabigo rin kami.

Knight: "Puntahan ko kaya? Or better yet, tawagan natin iyong namamahala doon sa condominium unit ninyo, Therb."

Parang gusto kong yakapin si Knight sa suggestion niya. Bakit nga ba hindi ko iyan naisip kanina? Masyado akong focus kay Belle lang, na nakakalimutan ko na ang ibang bagay. Parang masama na iyon ah? Naka-depende na ang pag-iisip ko kay Belle.

Nakailang rings lang ay sumagot na rin ang taga-pamahala sa unit namin ni Belle.

Manager: *Good afternoon po!--*

Therbie: "Good afternoon Ma'am. Ako po iyong nakatira sa unit 406. Pwede po bang itanong kung nakita niyo pong lumabas iyong nakatira sa unit 401?"

Manager: *Ay! Opo, sir John. Si Ma'am Belle po, hindi ba? Opo, nakita ko siyang lumabas ng unit niya, nakakatakot nga raw pong lapitan kasi sobrang seryoso ng mukha niya noong lumabas tapos naka-all black pa pong damit at naka-malaking jacket na parang panlalaki.*

Seryoso? All-black? Big jacket? That is odd. Ganoong mga damit ang sinusuot niya kung may pupuntahan siyang delikado, or kung para sa mission.

Agad na akong nagpaalam sa Manager at noong matapos tawagan ay hinarap ko silang lahat, pati si Boss.

Boss: "Ano raw sabi?"

Therbie: "Positive. Nakita raw nila na umalis at seryoso pa nga raw tapos naka-all black at nakasuot ng malaking jacket."

Kahit silang lahat napaisip rin sa sinabi ko.

Ely: "Weird. Nagsusuot lang ng ganoon si Belle kapag may mission o 'di kaya kapag may delikado siyang lakad."

Codename: Princess Trigger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon