Trigger 49 - It's time.

7.4K 123 5
                                    

[Edited Ver.]


It's time.



Therbie's PoV :

Diaz's Hotel and Resort


Mabuti nalang nakahabol pa ako sa bus na sinakyan namin papunta dito sa hotel and resort ni Boss. Kumpleto kaming mga top ten agents, sina Ambia at Selene na nagbabangayan na naman sa walang ka-kwenta-kwentang bagay, tapos sina Boss, Tita Brenda at ang dalawa nilang anak kasama rin. 

Kasalukuyan kaming nasa loob ng Bar lounge ng hotel na mga agents, except kina Selene dahil kasama nila si Tita Brenda. Taga-bantay sila sa buntis na reyna ng BDA.

Demi: "Umiinom ka na naman. Buti hindi pa nasisira iyang baga mo."

Napailing nalang ako sa sarkasmong pagkakasabi niya noon. Beer lang naman itong binabanatan ko ngayon at sa totoo lang medyo may hangover pa ako from last night. Speaking of last night, hindi ko matandaan ang nangyari kung paano akong naihatid ni CJ sa condominium unit ko pero nagpasalamat naman ako noong makita ko siya sa bus. 

But CJ's not in his usual state. It's like he's in a dazed when I called him, tapos parang nagulat pa siya. Tinanong ko si Micaela kung may problema ba silang dalawa, sabi nito wala naman raw at naiinis na nga rin raw siya sa pananahimik at palagiang pagtulala nito e.

Demi: "On a serious note, you need to get yourself together, lover boy. MOVE.ON. Let the past go.. let HER go."

Therbie: "Alam mo ilang beses ko nang narinig iyan sa inyong lahat, and I'm trying, really. I tried, 'di ba pinatulan ko pa nga iyang kalokohan mong blind date shit na iyon. Pero anong nangyari? Wala. Hindi naman kasi madali iyon, Demi."

Ely: "Oh, inaaway mo ba ang gf ko, Therbs?"

Demi: "No, dear. We're just talking. I'm talking some sense to this guy here."

Nagtatakang tiningnan kami ni Ely at maya-maya napapailing ito habang nakatingin sa akin kaya mukhang alam na niya ang ibig-sabihin ni Demi. Hindi naman ako kumikibo at uminom lang ulit ng Beer na nasa can.

Ely: "Grabe no? Ang tagal na pala talaga.. nakakatakot ang bilis lumipas ng taon. Dati, kasama pa natin siya at sinisimangutan pa niya tayo, pero ngayon.. I'm sure nasa mabuti siyang kalagayan ngayon."

Nakatingala itong parang tumitingin sa langit, pero bigla rin itong nag-baba ng ulo at saktong sa aking mata tumama ang mga mata nito.

Ely: "Kaya pare, pakawalan mo na si Belle. Pakawalan mo na ang mga alaala mo sa kanya dahil pareho lang kayong masasaktan. Hindi ka maka-move on pare, kasi choice mo rin naman na alalahanin pa rin siya e. Why don't you try to let her go slowly."

Therbie: "Paano ko naman gagawin iyon?"

Ely: "Try to think of her less and make her name a taboo word. Sinasabi ko sa'yo pare, it works and in no time masasanay ka na hanggang sa mawala na siyang tuluyan sa puso mo."

Matagal akong hindi nakakibo sa sinabi ni Ely hanggang sa umalis na siya at naiwan na naman kami ni Demi. I looked at her and saw her grinning from ear to ear. 

Demi: "Isn't my dearest guy so cool?"

Imbes na sumagot ay nginisihan ko lang siya at kalaunan ay iniwan ko siya para pumunta sa room ko. Nakasalubong ko pa nga si CJ na papunta naman sa Lounge kaya naisipan kong batiin ito.

Codename: Princess Trigger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon