Trigger 47 - How to move on from you?

7.2K 128 6
                                    

[Edited Ver.]


How to move on from you?



Therbie's PoV :

Kung ganoon lang sana kadaling kalimutan si Belle, baka matagal na akong may asawa at may anak na. Pero hindi ganoon e. I loved her for a long time before that happened at hindi agad-agad mawawala ang nararamdaman ko sa kanya ng isang araw lang.

Inakbayan ako ni CJ at marahang pinalo-palo ang likod ko. Ininom ko ang basong may laman na whiskey habang si CJ naman nagbibigay ng direksyon sa mga tauhan niya sa Bar. Ito ang isang trait ni Carmona na hinahangaan ko sa kanya, ang pagiging business-minded niyang tao. He's really into this business at dahil sa pagsisikap niya nitong anim na taon, marami nang branch ang Atlantica Bar and Restaurant ngayon sa buong Pilipinas.

CJ: "Bakit hindi mo i-try makipag-blind date? I heard from my Micaela that Demi's persuading you to go to one but you always refused every time she asked you. Sa tingin ko naman walang masama sa pag-try sa ganoon."

Therbie: "Akala mo ba hindi ko nasubukan iyan? I tried that blind dating shit, but it's not satisfying for me. Iyong mga nirereto naman kasi ni Demi sa akin iyong mga pinsan niyang nagkaka-gusto sa akin at nagiging clingy sila. Ayoko ng ganoon pare."

CJ: "E 'di ikaw ng gwapo! Pero pare, ganoon naman normally ang mga babae kapag nagustuhan nila ang isang lalaki. At hindi pagiging clingy ang tawag doon, gusto lang nilang magpa-impress sa'yo para magustuhan mo rin sila. Pero ikaw naman itong ayaw. Anong klaseng babae ba ang gusto mo?"

Inisip ko naman ang sinabi niya at ilang sandali lang ay nagsalita na ako na parang matagal ko nang minemorize ang sasabihin ko.

Therbie: "Independent woman, not clingy, matapang--"

CJ: "Si Belle ba iyang tinutukoy mo?"

Napahinto ako ng tuluyan sa sinabi niya. Nagtataka ako sa sinabi niya e. Ano namang kinalaman ni Belle doon? Well.. she's an independent woman, she's definitely not clingy, at matapang rin--yeah right. Sinong niloloko ko? Si Belle nga talaga ang gusto ko.

Napailing-iling si CJ at pinalo-palo na naman ang balikat ko.

CJ: "Ewan ko talaga sa'yo pare. Lumayas ka na nga dito sa teritoryo ko. Pinapainit mo ang ulo ko."

Gusto kong matawa sa sinabi niya pero nanahimik nalang ako at hindi ko siya pinapansin. Gusto ko na rin namang maka-move on at maghanap na ng ibang mamahalin pero every time I do something, lagi kong natatagpuan ang sarili kong ginagawa ang mga bagay na may kinalaman kay Belle, mga pagkaing kinakain niya, mga music na pinapakinggan niya, pati mga lugar na pinuntahan niya na noon.

It's seriously hard to let go of her.

Noong nakaramdam ako ng pagkahilo, tumayo na ako at nagpaalam kay CJ at naglakad na ako palabas. Noong binuksan ko ang pinto palabas ay may nakabunggo ako, dahilan para mapaupo ako sa sahig dahil nga nahihilo na rin ako.

???: "Oh my! I'm so sorry! I'm really sorry, mister. Ok ka lang ba? Tss, of course hindi siya Ok. Nagtanong pa talaga ako."

May naririnig akong babae at parang may nag-aalog sa katawan ko, dahilan para lalo akong mahilo.

???: "Hala? Nakatulog na ba siya? Ah, lasing ata ito."

Huminto rin ang pag-alog sa akin ng kung sino kaya tatayo na sana ako, pero parang ang bigat ng katawan ko at hindi ko mabuhat patayo kaya sumuko nalang muna ako. This is pretty bad. Hindi naman ako nahihilo ng ganito, ngayon lang.

Codename: Princess Trigger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon