Trigger 48 - To clear off her mind

7.3K 125 4
                                    

[Edited Ver.]


To clear off her mind



Bella's PoV :

Pagkamulat ko ng mga mata, agad kong nakita ang mukha ng isang taong matagal ko nang kilala at talagang nakapag-pasaya iyon sa puso ko. Parang nabuhay akong muli. He's gently smiling at me and he held my hand and kissed the top of it.

Pero nasira ang masayang tagpo na iyon noong mag-iba ang hitsura nito.

Lloyd: "Bella, love. Thank goodness you're awake."

Gusto kong magsalita at kausapin siya, pero sobrang disappointed pa rin ako at naguguluhan rin. Sino ang lalaking nakita ko kanina? Bakit familiar siya sa akin? Do I know him? Because I felt like myself when I saw his smiling face.

Naputol lang ang iniisip ko noong tinawag ni Lloyd ang pangalan ko. 

Lloyd: "Bella, are you OK? You're making me worried more when you're not saying something like that."

I tried to get up and sat properly with his assistance pero hindi pa rin ako nagsasalita. I wanted to say that I'm alright and not making him worry anymore, pero parang naiinis ako at naiirita akong may taong nakikialam sa akin. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko.

What the fuck is wrong with me? I should speak to my Momma about this.

Naalala ko rin iyong nangyari sa akin kagabi noong nasa Bar ako. I remembered the guy who hugged me and he cried in front of me while saying a different name. Ang sabi niya pa nga buhay raw ako at hindi ako patay. Anong ibig sabihin noon? Ako ba ang Belle na sinasabi ng lalaking iyon?

Who am I?

Bella: "A-aray.."

Napahawak ako sa sentido ko at hinilot-hilot ko pa ito pero wala namang nangyayari dahil mas lalong sumasakit kapag nag-iisip ako. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko pero tinabig ko iyon at para akong binuhusan ng tubig noong ma-realize ko ang ginawa ko. I looked at Lloyd, he looked so much hurt at what I did, but I still didn't said anything. Nanahimik lang ako, na parang normal kong gawain iyon.

Lloyd: "M-mabuti pa maiwan muna kita. T-tinawagan ko na si T-tita A-annalise at s-sigurado akong papunta na iyon dito kasama si Sab. I-i'll be back later."

Kahit lumabas na si Lloyd ay hindi pa rin ako nakapag-salita. Wala akong maisip na masabi at kung magsasalita naman ako baka mas lalo ko siyang masaktan. I loved him, I know I do, but.. I think my love for him wasn't enough to be tied with him. Matagal ko nang nararamdaman iyon, pero siya lang ang nakatulong sa akin sa mga masasakit na pinagdaanan ko simula noong magising ako sa ospital five years ago.

I was in a coma for almost a year then.

Annalise: "Sweetheart, Bella."

Bella: "Mom.. I don't know what to think anymore. Think I'm going insane."

Napaiyak ako noong yakapin ako ni Momma at hagurin niya ang buhok kong may kahabaan habang pinapatahan niya ako at sinasabing magiging maayos ang lahat. 

Pagkatapos ng iyakan namin, pati nga ang baby ko napaiyak rin kaya napahinto ako sa pag-iyak at inalo ko ang nag-iisa kong anak hanggang sa makatulog ito sa tabi ko kaya't binuhat ni Momma si Sab at inilipat sa isang sofa. Pagkatapos ay tumabi siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

Annalise: "I heard what happened last night, from Vanessa. Masakit pa ba ang ulo mo? Maayos ka na ba talaga?"

Tumango ako at hinigpitan ang hawak ko sa kamay ni Momma. 

Annalise: "Tell me what happened, hija. Sabihin mo kung anong huli mong nakita bago ka mag-black out."

Inaalala ko ang nangyari kagabi at ikinuwento ko lahat sa kanya. Momma was just listening to what I was saying until it was finished. 

Bella: "When I woke up earlier, I saw a man's face and he's really familiar to me. Like I've known him for so long and I felt my heart throbbing faster than the usual. Pero biglang nag-iba ang hitsura ng lalaki at naging si Lloyd iyon."

Annalise: "Give it a rest, hija. Maaalala mo rin ang mga alaala mo, kung sino ka talaga at kung ano ang nangyari bago kita matagpuan sa ospital na pinag-volunteer-an ko noon. Now, I want you to rest and not think of anything that can cause your headache."

She tucked me into bed and let me sleep like that. Nakatulog naman ako ng maayos pero bigla akong napamulat noong may marinig akong tumawag sa akin, pero sa isang pangalan na madalas kong marinig ngayon.

'Belle!'

That voice! It's a familiar voice and I suddenly found myself crying so hard while uttering a name.

Bella: "Therbie..."


End of PoV

Therbie's PoV :

Therbie: "BELLE?!"

Napamulagat ako mula sa pagkakatulog dahil parang narinig kong tinatawag ako ni Belle at nakikita ko siyang umiiyak sa panaginip ko. Isang panaginip lang.. hanggang doon nalang talaga kami magkikita ni Belle, sa panaginip.

I decided to get up and looked around my room. Paano ako nakauwi dito? Sinong naghatid sa akin?

Bigla akong napatingin sa side table at nakita kong nag-v-vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko agad iyon at tiningnan ang tumatawag. Si Boss Dom.

Therbie: "Boss--Tito Dom."

Boss: *Don't 'Tito dom' me, John Therbie! Anong nangyari sa'yo kagabi? Nasabi ni CJ sa akin ang lahat. Hindi mo ba matandaan na ngayon ang alis natin papunta sa Resort ko? Ikaw pa naman ang bagong Boss ng BDA. Get yourself together.*

Parang natulos ako sa sinabi ni Boss at napamura pa ako noong maalala kong ngayon nga pala ang vacation namin. Shit! How could I forgot about that?

Boss: *Don't curse while i'm still on the line. Parang ako ang minumura mo e.*

Therbie: "Shit--sorry, Tito, sorry po. Sige po mag-aayos na ako at pupunta na ako dyan sa BDA agad."

I need to hurry!


End of PoV



#EditedVersion #TherBelleBack? #Memorieslost

Codename: Princess Trigger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon