Trigger 60 - Last Mission

1K 15 0
                                    

[Edited Ver.]


Last Mission



Xander's PoV :


Nakasakay kami ngayon sa isang bus, isang malaking bus talaga at nang sinabi kong 'kami', meaning kasama ko sina Selene, my beautiful and cute girlfriend Ambs, and my buddy Renz. Pati sina Belle at kuya Therbie kasama pero iyong ibang nandito hindi ko kilala. Most of them looked familiar, pero hindi ko talagang kilala ng personal. 

Kaya nagtataka pa rin ako kung bakit kasama namin sila at kung saan kami pupunta. Tinawagan lang ako ni Renz at sinabing may pupuntahan raw kami sabi ng kuya niya pero hindi niya rin daw alam. Selene and Ambia kept mum about it but I know they knew something. 

At hanggang ngayon nga kinukulit ko pa rin si Ambs para sabihin niya sa akin ang alam niya. Nilalambing-lambing ko siya, sumiksik pa ako sa leeg niya and I give tiny kisses na alam kong weakness niya kapag ginagawa ko.

Ambia: "Ihh.. baby naman e. Kahit gawin mo iyan hindi ko naman pwedeng sabihin sa'yo. Surprise nga e."

Kahit na sinabi niya iyon ay hindi ko siya tinigilan at kinagat ko pa nga ang malambot na parte sa leeg niya but I was just teasing her. 

Xander: "Hmm.."

Ambia: "Xander naman e.."

Selene: "Ang lalaswa ng mga tao dito oh, hindi man lang i-respeto ang kainosentihan namin. My God!"

Umalis na ako sa leeg ni Ambia at nakangising inasar si Selene na yumakap lang kay Renz at parang nagsusumbong kaya sinamaan lang ako ng tingin nito. Dinilaan lang ako ni Selene tapos yumakap ng tuluyan kay Renz.

Ambia: "Baby, pabayaan mo na 'yang isip bata na iyan. Let's just enjoy the scenery. 'Di ba maganda?"

Tumingin siya sa labas kaya napagaya na rin ako at katulad ng sinabi niya, maganda nga. Pero hindi ko pa rin malaman kung nasaan talaga kami papunta. Pero kung kasama namin si Kuya Therbie at si Belle, wala naman sigurong masamang mangyayari 'di ba?

Tumahimik nalang ako at niyakap si Ambia lalo na sumandal sa dibdib ko.


End of PoV

Renz's PoV :


It's been 3 hours of road trip and I'm getting bored now. And a bit irritated. Pero dahil nandito naman si Selene, my honey, nababawasan naman iyon. Pero umiinit ang ulo ko sa ingay ng mga taong hindi ko kilala at hindi ko alam na mga kaibigan ni kuya. At kilala sila nina Selene at Ambia kaya para kaming out of place ni Xander dito ngayon.

Lumapit si Selene sa isang couple na ipinakilala niyang sina Micaela at CJ raw? Is that correct? Yeah I think so.

The girl looks like a korean nung unang kita ko at tama ang hinala ko noong ipinakilala siya sa akin ni Selene. 

Medyo malakas ang boses nila kaya naririnig ko silang lahat. Sabagay, hindi naman nalalayo ang seating arrangements namin.

Selene: "Saan ba kasi tayo pupunta? Parang lumayo naman ata ang bahay ni Tito Doms?"

Ambia: "Oo nga naman. Wala namang sinabi si Tita Brenda na lumipat sila ng bahay at ang layo from the metro, in fairness."

Kanina ko pa rin naririnig ang pangalan na 'Doms' at 'Brenda' sa kanila. Sino ba iyon?

Codename: Princess Trigger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon