Trigger 52 - A new threat is on the way

7.5K 133 5
                                    

[Edited Ver.]


 A new threat is on the way



Belle/Bella's PoV :

Nakaupo ako sa pang-isahang sofa habang pinagmamasdan ko sina CJ at Micaela. Napapangiti ako sa kung paano nila tingnan ang isa't-isa, you can see love there. A love that will lasts for sure. 

Dalawang linggo na ang lumipas simula noong malaman ni Micaela ang tungkol sa akin, at natutuwa rin ako sa kanya kahit pa nga hindi ko ma-i-express iyon through words or any gestures. Talaga nga sigurong iba ang ugali kong tunay kesa sa ugali na mayroon si Bella Anderson. Belle clementine is the kind of girl who's hiding her true feelings and emotions by showing to others her cold facade as her defense mechanism while Bella marice is her exact opposite, and now, I am in the middle of Belle and Bella's personality. Minsan moody ako, pero minsan naman nagiging si Bella ako. Lalo na kapag kasama ko ang anak kong si Sab at kapag nakikita ko si Momma.

Pero dito kila CJ at Ela, medyo moody at masungit ako pero parang sanay na naman sila sa ganoon kong ugali dahil iyon daw talaga ako. That's the Belle clementine Meyer they knew.

Micaela: "Belle! Ayos ka lang ba dyan?"

Tumango ako ng may ngiti. Mabait kasi si Ela sa akin kaya talagang natutuwa ako sa kanya. 

Belle/Bella: "Oh, can I go now? Susunduin ko pa kasi ang anak ko---"

Napahinto ako sa pagsasalita nang makarinig ako ng bumagsak na bagay na nagmula sa direksyon ni CJ at nanlalaki naman ang mga mata nilang mag-kasintahan. Ano na namang nakakagulat ang nasabi ko? Nasabi ko lang naman na susunduin ko ang anak ko--ah, oo nga pala. Bakit ko nga ba nakalimutan sabihin noong una palang.

CJ: "A-anak.."

Micaela: "M-may a-anak k-ka n-na?"

Belle/Bella: "Yes, though we're not blood related. She's my adopted daughter."

Inilabas ko pa ang wallet ko at ipinakita sa kanila ang picture ng anak ko. Kuha iyon noong nasa Disney Land kami sa Hong Kong a year ago. Si Lloyd pa nga ang nag-kuha ng litrato na iyon namin dahil kasama namin sila ni Athena noon. 

CJ: "Hoo! Akala ko may anak ka na talaga e."

Micaela: "I was feeling relieved too." (bulong) "Paano nalang si Therbie, 'di ba?"

Parang may sinabi pa si Micaela sa huli kaya tiningnan ko siya ng mataman pero umiling lang siya sabay ngumiti. Hindi ko nalang pinansin iyon at inilagay ang wallet sa bag ko ulit at tumayo na. 

Paalis na ako noong tawagin ako ni CJ.

CJ: "Teka, pwede ba kaming sumama sa pag-sundo mo sa anak mo?"

Micaela: "Oo nga naman. Na-curious ako kay baby Sabrienne e. Pretty please, Belle?"

Hindi na ako tumutol at bigla nalang silang tinalikuran. Alam na naman nila iyon dahil nararamdaman kong nakasunod sila sa likuran ko hanggang sa nasa parking lot na kami ng Atlantica Bar na Restaurant muna ngayong hapon.

Mabilis lang rin ang naging byahe ko at nakarating rin ako sa 'Heaven's angels Daycare center'. Pinarada ko lang sa harap ng gate ang sasakyan ko at nakita ko ngang nakaparada na rin sina CJ. nag-abang lang ako sa harap ng gate hanggang sa makita ko na ang napakaganda kong anak. 

I waved my hand to make her notice me and when she did, tumakbo pa siya palapit sa akin at sinalubong ako ng yakap at pinagpupugpog ako ng halik sa mukha.

Codename: Princess Trigger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon