Trigger 11 - I'm home, finally.

11.7K 204 5
                                    

[Edited Ver.]


I'm home, finally.



Belle's PoV :

Nagising ako ng maaga dahil na naman sa bangungot. Palagi nalang ganoon, kailan ba ako lulubayan ng pangyayaring iyon? Anong ibig-sabihin ng paulit-ulit na panaginip kong iyon? Siguro ang sagot doon ay ang mahanap ko na ang mga pumatay sa Papa ko at maibigay ko ang hustisyang nararapat sa kanya.

I badly wanted that to happen, that's why I've been in SU for three months now, even if I don't want to. Tinitiis ko ang pumasok sa lugar na pag-aari ng mga mamamatay-tao na iyon at lalong-lalo na ang mga may kinalaman sa killer, iyong Joseph na iyon. 

It's also my responsibility now to protect and to put in safety the lives of my loved ones. Kuya Pete, Selene and Ambia's lives were at stake because they're close to that Gang. I need to keep an eye of that killer's son and if he do something that'll put my loved ones in harm, lagot siya sa akin.

Hindi ako pumapatay sa mga missions ko because it is prohibited, but I will kill them, if I have too.

Dahil maaga akong nagising, six-forty palang, nag-ayos nalang ako ng sarili. Dumiretso ako sa kitchen at nagtimpla ng kape at tsaka ininom. Wala akong ganang kumain, siguro sa SU ko nalang gagawin iyon. 

By 8:30, I already went out from the house to school. Mabilis lang rin akong nakarating pero as expected, wala pa masyadong tao dahil maaga pa naman sa usual class time ang dating ko. Tatambay nalang siguro ako sa punong tinambayan ko noong nakaraang nagkasagutan kami ng lalaking iyon.

I was about to head to that place when a familiar voice shouted my name at the back.

Belle: "K-kuya Pete.."

Pete: "You've been avoiding me for a week now, princess. Talaga bang galit ka sa akin dahil lang sa pagsali ko ng Gang?"

Sa totoo lang galit pa rin ako. Hindi sa kanya kundi sa lalaking Joseph na iyon. Pero hindi ko na sasabihing ganoon dahil katulad ng payo ni Therbie sa akin noong nakaraan, gamitin ko raw ang chance na ito para alamin ang tungkol sa REG. Ika pa nga niya, keep your friends close and your enemies closer.

That's what I will do. For now.

Umiling ako kay kuya at pinilit kong ngumiti. Mukha naman na-relief siya sa ginawa ko at nagulat pa ako ng niyakap niya ako kalaunan ay yakap ko na rin siya.

Pete: "Clem, gusto mo absent ka nalang ngayon tapos uwi tayo sa bahay? Mama misses you so much. Actually, i've been waiting for you from the past days kasi gusto ko nga na iuwi kita dahil sabik na si Mama na makita ka."

Belle: "......umm.. s-sige."

Pete: "Yes! Let's go now!"

Bigla nalang niya akong hinawakan sa kamay at hinila palabas ng SU. Pinagtitinginan pa nga kami ng mga tao at pinagbubulungan rin but I don't care about them. Gusto ko na rin namang makita ang Mama ko kaya sumama na ako. Titiisin ko pa ba? Kakayanin ko ba? I love Mama and Papa. Mas close man kami ni Papa pero mahal ko rin ang Mama ko. Pareho lang naman sila.

Hindi na ako nag-reklamo noong isakay niya ako sa kotse niya kahit na may sarili rin akong kotse. Papakuha ko nalang siguro kay Celine, isang sub-agent na nag-aaral sa SU, mamaya at ipapahatid ko sa bahay namin.

Naalala kong pupunta ako ng Agents' Gathering Party mamaya. Lahat ng Top 10 ay naroon mamaya. What's the party about? You'll know later.

Noong nakita ko na ang daang pamilyar na pamilyar sa akin, parang gusto ko nang maiyak at parang binundol rin ako ng kaba at excitement. Basta halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. 

Codename: Princess Trigger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon