Trigger 33 - It happened so fast

7.6K 112 3
                                    

[Edited Ver.]


It happened so fast



Belle's PoV :

Therbie: "Let's go?"

Tumango na ako at sabay na nga kaming naglakad palabas ng condo unit ko at sabay rin kaming pumasok sa elevator. Maaga akong gumising at nag-ayos ng mga dadalhin sa puntod ni Papa, para nga kaming mag-p-picnic doon dahil sa mga dala-dala ko e. May blanket na pang-sapin para upuan, may basket ng pagkain na iniluto ko talaga at hindi mawawala ang kandila na binili ko kagabi palang. Sa sementeryo nalang kami bibili ng bouquet ng bulaklak dahil meron naman niyon doon.

Pinagbuksan ako ni Therbie ng pinto ng kotse niya tapos sumakay na rin naman siya sa kabila. Kasalukuyan ko namang ikinakabit ang seatbelt ko, nakita niya iyon at narinig kong napa-tsk siya. 

Belle: "May problema ka ba?"

Therbie: "Huh? Bakit?"

Belle: "I heard your 'tsk' just now."

Therbie: "A-ah, wala iyon. Wala iyon. 'Wag mo nalang intindihin iyon."

Tiningnan ko pa siya ng mataman at noong nakita kong seryoso na siyang mag-drive, lumingon nalang ako sa bintana. Hindi ko namanlayan na nakatulog ako, dahil pagkagising ay saktong nasa harap na kami ng bilihan ng bulaklak. 

Mabilis lang kaming nakabili at pagkatapos ay pumasok na kami sa loob ng sementeryo. Ipinarada lang ni Therbie ang sasakyan niya tapos ay naglakad na kami papunta sa puntod ni Papa. 

When we get there, mabilis kong inilapag sa lapida ang bulaklak at nag-sindi ng kandila. Matapos iyon ay inilatag ko ang blanket na dala ko at inilapag ni Therbie doon ang basket na dinala niya galing sa kotse niya. Umupo na ako sa tabi ng lapida at tiningnan ito na parang si Papa talaga ang kaharap ko.

Therbie: "Gusto mo bang iwan muna kita? Baka gusto mong kausapin ang Papa mo."

Belle: "No, you stay here. I don't mind."

Matapos noon ay mahabang katahimikan ang bumalot sa paligid namin. Pero hindi ko kayang hindi magsalita dahil kapag ganitong tahimik ay talagang nagbabadyang tumulo ang luha ko.

Belle: "Pa, sorry po kung hindi na kita nadadalaw. Alam niyo na naman siguro kung anong pinasok ko 'di ba? Para naman po sa inyo kaya ko iyon nagawa pero alam ko ring kung buhay kayo ay magagalit kayo sa desisyon ko. Well I wouldn't be in the agency if it isn't for Boss Dominic Diaz, your best friend back in college. Hindi ko nga po alam na isa pala si Boss sa mga ninong ko kung hindi niya pa sinabi ang totoo sa akin noong nakaraan."

Napalatak ako kapag naalala kong naloko ako ni Boss at Therbie ng ilang taon pero parang nakakatawang alaala nalang iyon ngayon. Naiintindihan ko rin naman kung bakit nila ginawa iyon e kaya wala akong galit sa kanila.

Belle: "At Pa, hindi ko rin alam na.. dati mong kaibigan si Jerome Salcedo. Kilala mo siya, Pa? Sabi ni Boss, best friends raw kayo noong bago pa man ninyo makilala si Boss. Bakit ka niya pinatay kung magkaibigan pala kayo ng matagal na panahon? Hindi ko po maintindihan iyon. Kahit na sinabi ni Boss na dahil sa inggit kaya ginawa ni Jerome sa inyo ito, still, hindi ko pa rin maintindihan."

May pumatak na luha sa mata ko kaya agad ko itong pinahid pero nagsunud-sunod na ito kaya pinabayaan ko nalang. 

Belle: "Pa, for the past four years, actually five years na nga e. Nagtanim ako ng galit sa taong pumatay sa inyo at isinumpa kong maghihiganti ako. Pero Pa, bakit ganoon? Parang gusto ko pang makausap ng masinsinan si Jerome at ipaliwanag niya mismo sa akin ang dahilan niya? Bakit gusto ko siyang patawarin kahit na sobrang sama ng ginawa niya sa inyo? Ganoon rin kaya ang gagawin ninyo kung kayo ang nasa sitwasyon ko? Kahit na pilit niya nga akong ipinapapatay pati ang ibang taong ma-ugnay sa akin ay gusto niyang patayin, bakit gusto ko siyang patawarin? Ang bait ko naman ata noon, Pa no?"

Codename: Princess Trigger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon