Chapter LXI (His Answer)

35.7K 840 47
                                    

May 3, 20xx

“Kung inaakala mo, ang pag-ibig ko’y magbabago

Itaga mo sa bato, dumaan man ang maraming Pasko

Kahit na di mo na abot ang sahig

Kahit di mo na ako marinig

Ikaw pa rin ang buhay ko!!!”

“Tumahimik ka nga. Kumain ka ng buko o.” Inakma pa nyang itapon sakin ang isang di pa nababalatan na buko pero binalik nya din ‘yon sa mesa saka ako pinagsabihan. “Last warning Jinx. Sumasakit na ulo ko sa boses mo.”

Inismiran ko si Kuya at tinakpan ang mukha ko ng unan. Hindi ko naman sya magawang sigawan kahit na naiinis ako sa kanya kasi may lagnat sya... at sa twing may lagnat sya, nagiging seryoso sya na syang kinakakatakutan ko ng konti. 

Grabe, pati Kuya ko walang  pakialam sa nararamdaman ko! Teka, kelan pa ba sya nagkaroon ng paki sakin?

Okay, I’ll change it. Kahit sina Mom at Dad, walang pakialam sa nararamdaman ko! Sinabi ko kasi sa kanila ang nangyayari samin ni Xavier these past few days or week na nga siguro, pero lagi nilang sinasabi na NO BIG DEAL lang daw yan.

No big deal?! E miss ko na sya! Kahit anong gawin ko, hindi ko na sya naabutan sa bahay nila kasi ang aga-aga umaalis at ang gabi na umuwi. Tapos, di ko pa sya nagagawang ma-contact at di rin sya gumagawa ng paraan para makamusta ako! Ugh! Talo pa namin ang mga couples na long distance!

Nasa kabilang bahay lang kaya sya! Pwedeng-pwede syang dumaan sa amin kahit isang minuto lang. Magkatapat pa ang mga bintana namin. Kung ayaw nyang dumaan dito samin, edi batuhin nya nalang ang bintana ko para mapagbuksan ko sya at mag-usap kami. O kaya, magpa-load sya ng combo 10 para at i-dial nya ang number ko. Kahit di na nya ubusin ang 10 minutes call! Kahit isang minuto lang. Kahit isang hi and hello lang. Kahit isang miss na kita lang. At higit sa lahat, kahit isang I love you lang. Mahirap ba gawin ‘yon?

Kung ang isang araw ay binubuo ng 86,400 seconds…. wala akong pakialam kasi kahit isang segundo lang na marinig ang boses nya o makita sya, sapat na para mabuo ang araw ko. Kaya bakit di nya magawang ibigay ang isang segundo na yan?

“May iba na siguro jowa mo.” Biglang sabat ni Kuya na parang sinagot ang tanong ko. "Alam mo kasi, mabilis magsawa ang mga lalaki lalo na pag di maganda ang gf nila."

Napabangon ako sa kinahihigaan ko at itatapon nga sana ang unan sa kanya, kaso di ko na tinuloy, naawa ako sa bukong pwedeng matapon e. “Oh? Is that a general fact or fact about yourself?”

“General fact.” Walang pag-aalinlangan nyang sagot at nakangiti pa. Litsi talaga!

“Well, Xavier is an exemption.” Sagot ko habang naka-indian sit.

“Exemption? Temptation doesn’t exempt anyone Jinx.” Humarap sya sa akin at hindi pa rin naalis ang ngiti nya. “At tao tayo. Madaling maakit. Madaling nadadala sa mga temptasyon na nakapalibot. Parang sina Adam at Eve la--”

“By nature, yes we are prone to temptation. I knew that already.” I cut him off while rolling my eyes. “But if you really love someone, you wouldn’t risk that someone’s love for a single night pleasure or other kinds of temptation, right?” seryosong tanong ko sa kanya pero ginantihan lang nya ako ng isang ngiti at nagkibit-balikat.

“Never been there so, I don’t know.” At bumalik na nga sya sa pagkain.

Ugh! Bakit ba ako nakikipag-usap sa isang lalaking hindi pa nai-inlove? Yeah right, he won’t understand.

“Pero malakas hinala ko…” biglaan na naman nyang sabi. “may iba na ang Xavier mo. Napagod na siguro sayo.”

Don’t be too clingy sissy. He might get tired of you.

“Whatever!” Sabay tayo ko at labas ng bahay. Una, si Kai! Tapos ngayon, sya naman. Mga bwiset! Ano bang problema nila? I know everything is possible. Na kahit anong imposible na hiwalayan ako ni Xavier, may .000001% pa rin na chance na pwedeng ipagpalit nya ako. Pero hindi naman kelangan ipamukha sakin yan kung kelan malabo kami ni Xavier. Baka kasi may mahampas ako ng chair sa mga nakiki-share kay Xavier!

Binaling ko ang atensyon ko sa kalye at napatitig ako sa dalawang anyong papalapit dito. Hinampas-hampas ng mas maliit ‘yong isa sa braso habang masaya silang nagtatawanan.

Napamura ako sa kaloob-looban ko nang makitang ang landi landi nya sa kanya. At peste naman ‘tong isa, patay-malisya lang. Tsaka, bakit sila magkasama?!

Habang papalapit sila sa bahay ay naririnig ko na ang pag-uusap nila. Nagtago lang ako sa bakuran namin, ayaw ko kasi makasira ng moment. Psh. 

“Ang kulit nga e! Hahaha!” And back to those days that I hated her so much, err! “Xavier, magtatanong lang a. Curious lang ako.” Nanahimik saglit at narinig ko na ang tanong nya. “Bakit ka nagkagusto kay Miss Lisondra? I mean, alam ko naman hindi ka interesado sa mga babae. Kahit nga sakin, di ka nagkagusto e. And sside from that, as your childhood friend, alam kong hindi naman sya ‘yong type mo. So why her?”

Hindi naman ako makapaniwala nang marinig ang tanong na ‘yon mula kay Eunice. Bakit nya naman naisipang itanong ‘yon?  

               

“Tama ka. Hindi sya ang tipo ko.” Sabi ni Xavier na pumutol sa kakaisip ko. Ouch!

“Hindi rin sya ang klase na ‘ideal girl’ ng mga lalaki.” I know! I know! Kelangan sabihin?!

“At higit sa lahat, hindi ko rin sya gusto noong una. Makulit, maingay, madaming kalokohan, at higit sa lahat, she doesn’t take my subject seriously.” Triple kill dude! Hindi mo naman kelangan i-enumerate Xavier e! Nakaka-lower ka ng self-esteem.

Natahimik bigla. Gusto ko sanang sumilip kasi mukhang huminto sila sa tapat nitong bahay namin pero baka mapansin ako e. Teka lang… bakit ba ako nagtatago?!

Kasi ayaw kong makasira ng moment. Yan sabi ko diba? Tangna! Boyfriend ko nga pala si Xako, kaya may karapatan ako! Pero ang pinag-aalala ko ay baka sabihin ni Xavier na possessive ako... pero possessive naman talaga ako e! Hindi naman siguro nya ako hihiwalayan dahil dyan diba? Bahala na nga. 

Patayo na sana ako nang sagutin nya ang tanong ni Eunice na syang dahilan para maupo ulit ako sa lupa... at mapangiti. 

“In short, hindi ko sinasadyang magkagusto sa kanya. Nagkataon lang talaga na isang araw… kada lingon ko, sya na ang hinahanap ko.

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon