Chapter 23

667 12 3
                                    

Zea's POV

He hugged me and I can see that his shoulders are shaking. I know he's crying. I was shocked.

Kumawala ako sa pagkakayakap niya at mabilis akong umalis ng hindi man lang nagpapaalam. Hindi na ako lumingon sa kanya. Gulung-gulo na ang isip ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Sumakay na ako ng taxi at umuwi na sa apartment. Pinagbuksan ako ng pinto ni Michelle.

"Okay ka nab a, Zea?" tanong niya sa akin.

"Oo, mauna na ako ha. Gusto ko na kasing magpahinga eh" pagpapaalam ko sa kaniya. Yung iba kasi wala na sa sala nasa kanya-kanya na silang kwarto.

"Ah, sige"

Pagpasok ko sa kwarto ko agad akong nagbihis at nahiga. Gusto ko munang magkaroon ng time na mag-isa para naman makapag-isip ako ng maaayos.

Bakit niya yun sinabi sa akin? Bakit niya sinabi na mahal niya ako? Ayoko na ng mga ganitong bagay. Tingin ba niya paniniwalaan ko yung mga sinabi niya? Hindi. Guilty lang siya sa nangyari sa amin dati pero hindi naman yun dahilan para ganituhin niya ako.

Hindi ako galit sa kanya pero ayoko ng ganitong sitwasyon na sobra akong naguguluhan. Hindi ako sanay.

After ng ginawa niya sa akin dati ngayon sasabihin niya na mahal niya ako. Hindi kapani-paniwala. Isang beses lang niya ako sinabihan ng "I love you" at iyon yung time na nagpropose siya sa akin. Naniwala naman ako sa sinabi niya dahil ipinapakita naman niya yun sa akin. Pero nung time na mag-asawa na kami never ko nang narinig yung mga salita niya yun sa kanya. Kahit magkatabi kaming natutulog, minsan sinasabihan ko siya ng "I love you" pero hindi siya sumasagt instead niyayakap lang niya ako. Siguro nung time na yun, pinipilit lang niya yung sarili niya na pakisamahan ako at ayaw niya sigurong magsinungaling sa totoong nararamdaman niya. Hindi naman niya ako totoong mahal kaya bakit naman niya yun sasabihin?

Naniwala ako sa sinabi niya na mahal niya ako dati pero iba na ngayon, hindi na ito kagaya noon. Ang tagal kong hinintay na sabihin niya ulit na mahal niya ako nung panahon na akala ko mag-asawa kami pero hindi ko na iyon narinig sa kanya.

Dati pa naman hindi ko na ineexpect na may lalaking magmamahal sa akin at mas lalong napagtibay yung paniniwala kong ito nung nasa high school na ako.

Naiwan kami sa classroom nila Belle at Dolzy. Maaga kasi yung uwian namin ng time na yun kaya kami na lang ang nasa classroom. Hindi pa muna kami umuwi kaya nag-usap-usap muna kami.

"Uy, ikaw ha crush mo pala si Harry. Hindi mo sa akin sinabi" - Belle

"Dolzy, naman eh bakit mo naman yun sinabi sa kanya? Belle, secret lang natin 'tong tatlo ha?" sabi ko.

Si Harry kasi ang nag-iisa kong crush, siya din ang una kong crush. Nung una kasi nahihiya akong sabihin yun sa kanila kasi sikat si Harry sa school namin. Medyo matagal na rin yung pagkakacrush ko sa kanya at nitong year na ito classmate siya naming.

"Oo, naman. Si Harry pala crush mo Zea ha haha" sabi ni Belle.

"Crush ako ni Zea... Who's Zea?" tanong ni Harry. Nabigla kami dahil hindi namin napansin na nakapasok at bumalik pala siya sa room.

Napatingin sa akin sila Dolzy at Belle ng hindi sinasadya. Inaalam siguro nila kung ano yung reaksyon ko. Alam kong hindi kami kilala ni Harry dahil ngayon lang naming siya naging classmate.

"I supposed your Zea" sabi ni Harry sabay tingin sa akin.

Bigla akong nahiya. Nakakahiya naman kasi talaga eh nalaman niya na crush ko siya. Tiningnan niya ko ulo hanggang paa. Nakakahiya.

"Tsss. Look at the mirror first before you said that you have crush in me. I'm sorry but I don't know you and I don't like you. And..." he looked at my face intently "....with that face of yours no guy will ever like you" then after he said that may kinuha lang siya sa upuan niya.Bago siya umalis...

"Your too plain, too simple and look very boring to be with. Don't be mad at me because there is no wrong in stating facts" tapos umalis na siya.

Nung time na yun sobra akong nasaktan kaya mas lalong tumatak sa akin na walang lalaking magmamahal sa akin. Pero dumating si Jace sa buhay ko. Naniwala ako na posibleng may isang lalaki na magmamahal sa akin...pero nagkamali ako...madali niya akong napaniwala...napaniwala niya ako sa bagay na hindi naman totoo.

Pinagpalit niya ako sa iba...Is that what you called love?

Far Better ThanWhere stories live. Discover now