Chapter 6

845 9 1
                                    

Lyka’s POV

Napansin ko lately parang naging tahimik si Zea. Alam ko naman na tahimik siya dati pa pero ngayon mas lumala pa ata. Parang may nagbago sa kanya pero hindi ko alam kung ano.

“May napapansin ba kayong nagbago kay Zea?” tanong ko sa kanila. Nasa sala pa rin kami ngayon at nanunuod.

“Ha? Wala naman akong napapansin na bago sa kanya” sagot ni Michelle

“Ako din wala. Baka napagod lang siya masyado sa trabaho kaya maaga lagi pumupuntang kwarto” sabi naman ni Bea

“Tingin ko wala din ganun pa din siya eh tahimik kahit nung nakilala natin siya nung dumating siya dito” sabi naman ni Trish

“Speaking of dumating, natatandaan niyo ba nung day na dumating siya dito” –Bea

“Yes, natatandaan ko. Ang mysterious nga niya eh” –Michelle

Natatandaan ko din yung day na yun.

*Flashback (two years ago)

Kakauwi lang naming galing mall nun, naggrocery kasi kami. Pagkatapos naming magbihis, nasa sala kaming apat at nanunuod ng tv.

Tok tok tok

May kumakatok sa pintuan.

“Trish, ikaw na magbukas” sabi ni Bea

“Mga tamad talaga kayo” natatawang sabi ni Trish.

Biniksan na niya yung pintuan.

“Aling Minerva, kayo po pala pasok po kayo” –Trish

Si Aling Minerva ang caretaker ng bahay/apartment namin. Siya ang sumisingil sa amin ng renta.

“Maupo po kayo. Uy, Michelle kumuha ka ngang juice para kay Aling Minerva” –Bea

“Sig-“ –Michelle

“Wag na Michelle, Bea, salamat na lang. May sasabihin ako sainyong lahat” –Aling Minerva

“Aling Minerva, wag niyo pong sasabihin na magbabayad uli kami ng renta, kakabayad lang po naming sa inyo last week ah” –Trish

“Hindi iyan ang pinunta ako dito. Ang gusto kong sabihin ay may bago na uli kayong makakasama dito sa apartment” sabi niya

Lumipat na kasi yung dati naming kasama dito sa apartment last month.

“Talaga po?” – Michelle

“Oo, nasa labas. Teka at tatawagin ko.”

Lumabas na siya at pagkapasok niya ay may kasama na siyang babae. Tingin ko ka-age lang din namin.

“Maiwan na kita, Zea.Sila ang mga makakasama mo dito.Wag kang mag-alala mababait ang mga iyan” –Aling Minerva

Umalis na si Aling Minerva.

“H-hi” bati niya sa amin.

“Hello” bati naming sa kanya.

“Anong name mo?” tanong ni Trish

“Sira, di mo ba nadinig sabi ni Aling Minerva Zea daw pangalan niya, di ba?” – Bea

“Oo, I’m Zea” sagot niya.

“Ako nga pala si Lyka. Sila naman si Bea, Michelle at Trish” pakilala ko kay Zea

“Nice meeting you all” sabi niya at bahagya siyang ngumiti.

Pinagmasdan ko siyang mabuti. Parang medyo namumula yung mata niya.

“Umiyak kaya siya?” tanong ko sa sarili ko

“Uhm, nasan yung mga gamit mo?” tanong ni Michelle

“Ito” sabi ni Zea sabay pakita sa amin ng dala niyang paperbag. Isa lang yung dala niya at hindi masyadong malaki. Parang isang pares lang ng damit ang kasya sa dala niya. Tapos nung sinasabi niya yun parang may lungkot sa boses niya na hindi ko maintindihan.

Nagkatinginan kaming apat. Lahat kami nagtataka.

“Ah, ang ibig mo bang sabihin sa ibang araw pa darating yung mga gamit mo?”- Bea

“H-hindi” sabay iling.

“Ito lang talaga ang dala kong gamit” pagpapatuloy ni Zea

“Sigurado ka?” –Trish

“Oo, bibili na lang ako ng mga gamit ko sa susunod na araw” –Zea

Pagkatapos nun, ituro namin sa kanya yung magiging kwarto niya.

Pumasok na siya dun at kami naman ipinagpatuloy naming ang panunuod ng tv.

“Ang weird” sabi ko sa isip ko.

Pagkatapos ng ilang sandali pumunta sa sala si Zea at nakinuod na din.

Nagsimula na din kaming magkwentuhang lima.Kung kwentuhan mang matatawag kasi parang interview ang nangyari.

“Ilang taon ka na Zea?” tanong ko

“Magtu-twenty two”

“Bakit ka napalipat dito,malapit lang ba ito sa working place mo?” –Michelle

“H-hindi. Wala pa akong trabaho sa ngayon” –Zea

“Ah, ganun ba? Pwede kang mag-apply sa kompanya na pinapasukan namin” sabi ko

“Sige. Susubukan ko.”

“Na saan iyong family mo? Nandidito din ba sila sa Maynila?” –Bea

“F-family?”sabi ni Zea

Nung time na yun naging visible yung lungkot na nakita ko sa kanya kaso sandali lang.

“Nasa Bulacan yung family ko”

“Kailan ka pa dito sa Manila?”-Trish

“Isang taon na siguro”

“Ah, san ka tumira nung mga panahon na yun?” –Michelle

“U-Uhm, sa isa kong kakilala” sagot niya na may pag-aalangan

Pagkatapos nun nagkwentuhan pa kami ng iba pang bagay tungkol sa kanya at tungkol sa amin para makilala naming ang isa’t-isa.

End of Flashback

“Nakakapagtaka nga nung time na yun kasi isang paperbag lang ang dala niya”-sabi ko sa kanila

“Oo nga eh, kasi bakit naman siya lilipat nga ganun lang ang gamit niya”-Trish

“Itulog na lang natin yang girls”mahinahon na sabi ni Michelle

“Siya lang naman ang makakasagot nung mga tanong natin eh. At hindi pa siguro ngayon yung tamang time para masagot yun”pagpapatuloy ni Michelle

Far Better ThanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon