Chapter 33

310 8 2
                                    

Zea's POV

"That's hurts"

Ano bang nangyayari sa kanya at bigla na lang siyang nanghahalik.

"So this is not a dream. You are really here" then he smiled.

Hindi ko nalang pinansin kung ano ang sinabi niya at bumangon ako sa pagkakahiga ko sa kama kahit nagtataka ako dahil sa pagkakaalam ko nakatulog ako at hindi sa kama iyon.

"Mukhang magaling ka na. Maiwan na muna kita. Dyan nga pala ang cr" turo ko sa isang pinto na kulay blue.

"Wait kaninong bahay ba ito? Sainyo ba?"

Tumango ako.

"Thanks for taking care of me. I remember i passed out last night"

"Welcome" then lumabas na ako sa kwarto.

Dumiretso na ako sa banyo sa kwarto ko at naligo. After that pumunta ako sa kusina at nakita ko si mama na nagluluto na ng almusal.

"Ma, tulungan ko na po kayo"

"Naku hindi na matatapos na ako. Kamusta na nga pala yung boss mo."

"Okay na po siya"

"Tawagin mo na ang papa mo at ang boss mo kakain na tayo"

"Sige po ma"

Nakita ko si papa na nagnunuod ng balita sa tv.

"Papa, kakain na po tayo"

"Sige , anak susunod ako"

Pumunta naman ako sa kwarto kung saan nanduduon si Sir Jace. Kumatok muna ako bago pumasok.

"Sir Jace, sumabay na po kayo sa aming kumain."

Hindi din magtagal ay binuksan na niya ang pinto at sabay na kaming pumunta sa kusina.

"Ma, Pa, Si Sir Jace po pala isa po siya sa mga boss ko sa kompanya. Sir sila naman yung mga magulang ko"

"Good morning po sir, ma'am" bati naman niya.

"Maupo ka na iho" sabi ni papa

"Salamat po dahil pinatuloy ninyo ako dito"

"Walang anuman iyon" sagot naman ni mama. After that kumain na kami. Honestly, si mama at papa ang kausap nila ay si sir at minsan lang nila ako tinatanong.

Pagkatapos namin kumain ay inaya ni papa si Jace na makipagkwentuhan sa kanya sa garden namin habang kami naman ni mama ay naghuhugas ng mga pinagkainan.

"Zea, may boyfriend ka ba sa Manila?" biglang tanong sa akin ni mama.

Umiling lang ako.

"Boss mo lang ba talaga si Sir Jace mo?" napatingin ako kay mama ng tinanong niya tun. Ano bang ibig niyang sabihin?

"Opo, bakit ninyo naitanong?"

"Wala lang naman iha"

Hindi na lang uli ako nagtanong kay mama. Pagkatapos bamin maghugas ay nagpaalam na sa amin si Sir Jace na aalis na siya. Pagkaalis niya ay inaya ako nila mama at papa na maupo sa sala dahil may sasabihin daw sila sa akin. Ngayon kinakabahan na talaga ako.

"Iha, alam mo naman kung bakit ka namin pinauwi ng mama mo dito, hindi ba? Bukod sa miss ka na namin at hindi ka namin nakita ng dalawang taon ay may kailangan kaming sabihin saiyo. Sana ay maintindihan mo kami."

Sinabi nila ang dahilan nila at naunawaan ko naman iyon.

Kinabukasan ay bumalik na ako sa Manila.

"Oh, Zea akala ko ba two weeks ka dun sa probinsya nyo? Balik bumalik ka kaagad." tanong ni Bea.

"May kailangan lang akong ayusin dito." sagot ko sa kanya.

Dumiretso na ako sa kwarto ko sa apartment at nagbihis. Alam kong day-off namin ngayon pero kailangan kong bumalik sa opisina. 

Pagdating ko sa company ay naabutan ko din si Mrs. Abenzala sa office niya at may ibinigay ako sa kanya. Nagulat siya dahil nanduduon ako at mas nagulat siya sa ibinigay ko. Sinabi niya sa akin na dumiretso na lang daw ako kay Sir Chase at pumunta nga ako sa office ni Sir.

"Good afternoon Sir Chase" I greeted him with a smile.

"Miss Rinchi? Why aare you here, you are on leave right?"

"Yes Sir but I came to give you this" I answered while I'm handling to him my letter. My resignation letter.

Far Better ThanWhere stories live. Discover now