Chapter 2

890 9 2
                                    

           “Excited na ko!!! ngayon na natin makikilala ang magiging boss natin syempre bukod sa gwapo nating boss na si Sir Chase. Hahaha. Sana gwapo sya , kyaaaaa, kinikilig na ko.” –Trish

          Nandidito kami ngayon sa meeting at lahat ng empleyado ng kompanya ay nandidito para makilala ang magiging boss na rin namin.

          “Tumahimik ka nga dyan Trish” saway ni Michelle.

          Nakita na naming si Sir Chase na paakyat sa platform hudyat na ang lahat ng mga employees ay dapat na tumahimik.

          “Good morning to all of you. I know that you all know about the merging between our company and my best friend’s company so to formally introduce you the president and the owner of the Monterasia Group of Companies here is Mr. Jace Monterasia”

          Pagkarinig ko ng pangalan niya napahikbi ako ng mahina. Pakiramdam ko gusto kong umiyak.

          “Okay ka lang ba, Zea?” nag-aalalang tanong sa akin ni Lyka.

          “Ha? Oo naman” pinilit kong maging buo ang boses ko sa pagsagot ko sa tanong niya.

          “Ganun ba, para kasing narinig kitang humikbi”

          “Wala yun baka nagkamali ka lang” sagot ko.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin pero parang may mga luhang gustong pumatak sa aking mga mata. I know I am hurting inside when I hear his name. Akala ko hindi ko na siya ulit makikita at akala ko sa sarili ko na oras na mangyari ang mga bagay na ito ay magiging okay lang ako. I was wrong. The hurt I am feeling right now is accompanied by a cold feeling inside of me. I suddenly felt cold.

          “Kailangan kong maging okay” sabi ko sa sarili ko sabay ngiti.

          Pero nang simula na siyang magsalita ay hindi man lang ako tumigin sa kanya.

Jace's POV

          “I’m looking forward to work with all of you” pagtatapos ng speech ko.

          Habang nagsasalita ako ng speech ko kanina, nakita ko siya. Si Zea. Ganun pa din ang itsura nya ang pinagka-iba lang ay nakasalamin na siya ngayon . Hindi ko alam na dito pala siya nagtatrabaho. Pormal ang ekspresyon ng kanyang mukha at sa haba ng speech ko kanina hindi man lang siya sumulyap sa akin kahit isang beses.

          “Bakit ka naman niya susulyapan o titingnan?” tanong ng isang bahagi ng isip ko. Napangiti ako ng mapait.

          “Pare, umalis na ang mga empleyado ko. Gusto mo ba na magkwentuhan muna tayo sa office ko?” tanong sa akin ni Chase.

          “Okay” sagot ko sa kanya.

          Nang nasa loob na kami ng office nya hindi pa rin talaga mawala sa akin ang imahe ni Zea.

          “Brod, okay ka lang ba? Ang tahimik mo ata ngayon hindi ako sanay ng ganyan ka.hahaha” –Chase

          Si Chase talaga, sa aming dalawa siya ng makulit at maingay, joker din pala yan. Ganun din naman ang ugali ko pero medyo seryoso naman ako kumpara sa kanya.

          “Hindi ko alam na empleyado mo siya” bulong ko

          “Ha? Sino?” tanong ni Chase. Hindi ko alam na narinig niya ako.

          “W-wala. Alis na ako pare. Babalik na ko sa kompanya ko marami pa akong naiwan na trabaho dun.” paalam ko sa kanya.    

Far Better ThanWhere stories live. Discover now