Chapter 28

526 16 1
                                    

Zea’s POV

Masarap kausap si Jessie, hindi ko na namalayan yung oras dahil sa pakikipag-usap ko sa kanya. Kung anu-ano yung nakukwento nya nakakatuwa siya. Aaliw na aliw siya sa pagkukwento sa akin habang umiinom.

“Naku ate 6:30 na pala kailangan ko nang umuwi sa susunod na lang ulit ha. It is really nice to meet and talk to you.”

Ngumiti naman ako at lumabas na kami sa coffee shop. Nanduduon na yung sasakyan na susundo sa kanya.

“Bye ate” pagpapaalam niya sa akin habang kumakaway.

“Sige bye” and I wave at her. Hinintay ko muna na makaalis yung sasakyan nila bago ako sumakay ng taxi. Pero habang pauwi na ako ay napagdesisyunan ko na bumili muna ng chocolate cake favorite kasi nila yun eh.

Naiisip ko tuloy sana dati ko pa nakilala si Jessie pero alam ko naman ang dahilan ni Jace kung bakit hindi niya yun ginawa. He does not want his family to be involve with me. Bakit naman nga nya yun gagawin eh hindi naman siya sa akin seryoso dati. Ni hindi ko nga alam kung ilang ang kapatid niya? Buhay pa ba parents nya o kung buhay man ano kaya ang pangalan nila? Nasaktan ako nung mga panahon na nagsasama kamikasi nung bago kami magpakasal inaya ko siya na ipakikilala ko siya sa parents ko pero ang sabi niya wala siyang time na umuwi sa probinsya para makilala siya ng personal ng pamilya ko. Ayoko naman na tumawag lang sa parents ko at sabihin na ikakasal ako dahil alam ko na hindi sila papayag na makasal ako hanggat hindi nila nakikilala yung magiging husband ko at mas lalong hindi sila papayag na ang bilis ng gagawin naming pagpapakasal. Natatakot ako na kapag nalaman nila yun ay tumutol sila sa pagpapakasal namin. Kaya napagdesisyunan ko na hindi ko na lang muna yun sasabihin sa kanila.

Aaminin ko nung mga panahon din na yun hinhintay ko si Jace na ayain nya ako pumunta sa kanila para makilala yung parents niya pero ang tagal kong naghintay hindi naman niya yun ginawa.  

Natigil ang pag-iisip ko ng huminto ang taxi sa harap ng apartment. Inabot ko na ang bayad at bumaba na ako. Napansin ko na may isang itim na kotse na nakaparada sa gilid ng apartment namin. May bisita kaya kami?

Kumatok ako sa pintuan at pinagbuksan ako ni Bea.

“Zea, buti naman dumating ka na?” sabi niya sa akin natutuwa

Tumango lang ako sa kanya at ngumiti. Inabot ko na din sa kanya yung dala kong cake.

“Para sa inyo yan”

“Thank you sa cake. Alam ko naman na kakain ka din nito eh haha”

Papunta na ako sa sala ng marinig ko uling nagsalita si Bea.

“Zea ikaw ha” sabi niya sa akin. Napaisip naman ako kung ano ang ibig niyang sabihing ako.

“Ha?”

“Wala may bisita ka nga pala nandyan sa sala” yung tono ng pagsasalita ni Bea medyo nanunukso.

Dumiretso na ako sa sala at nakita ko ang mga kaibigan ko na kinakausap ang isang lalaki.

“Zea” tawag nila sa aking lahat at nakangiti din sila na parang kinikilig? Nang-aasar? Dahil sa pagtawag nila sa akin ay lumingon yung lalaki. Nagulat ako dahil hindi ko ineexpect na pupunta siya dito. Hindi naman siguro trabaho ang pinunta nya dito dahil ang direct boss namin ay si Sir Chase.

“Good e-evening po” bati ko sa kanya

“Iiwan na po muna namin kayo dito Sir Jace. Mauna na kami sa taas Zea” sabi ni Trish at sumunod na din sa kanya sila Michelle. Honestly, ayoko kong maiwan dito mag-isa dahil hindi ako sanay sa ganito. Hindi pa ako ready na maka-usap siya dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

“Zea” sabi niya sa akin pagkaupo ko sa couch sa sala. Tumingin ako sa kanya.

“May kailangan po ba kayo sa akin?”

“Yes. I want to apologized dahil alam kong nabigla kita nung sinabi ko saiyo na mahal kita pero yun naman talaga ang totoo. I know you don’t belive me but please give me a chance to prove to you how sincere I am. Alam kong hindi yun madaling paniwalaan dahil sa nangyari sa atin noon but this time its different. I want to gain your trust again, not just you trust but you heart.” Diretsa niyang sabi sa akin. Natatakot ako, kinakabahan ako dahil nakikita ko sa mga mata niya na totoo yung sinasabi niya pero….hindi ko na alam ang gagaw---

Natigil ako sa pag-iisip dahil hinawakan niya yung kamay ko. Just the mere touch of his hand brought a familiar feeling inside of me. I can’t explain this feeling. Bakit parang nangungulila ako sa kanya? Inalis ko yung thought na yun sa isip ko.

“Please let me court you” then he kissed the back of my hand

Far Better ThanWhere stories live. Discover now