Chapter 24

650 16 1
                                    

Zea’s POV

“Maggrocery muna kaya tayo” suggest ni Bea.

Pauwi na kasi kami galing sa trabaho.

“Oo nga noh, wala na kasi tayong pagkain sa apartment” sabi naman ni Lyka

“Okay, tara na” aya ko sa kanila.

Pumunta na kami sa pinakamalapit na grocery store. Medyo konti na lang ang tao dahil pagabi na.

“Uy, bili tayo ng maraming snacks para kapag manunuod tayo ng movies may makain tayo haha” sabi ni Trish habang kumukuha ng mga snacks

“Kuha ka lang dyan” sabi naman ni Bea

Malapit na kaming matapos ng mapadaan kami sa section na may maraming magazine.  May mahigit sampung babae ang nagkukumpulan doon.

Hawak-hawak nila yung magazine na pangbusiness.

“Tsss. Ano naman kaya ang gusto sa magazine na yun?” narinig kong tanong ni Trish.

“Gosh, napakagwapo talaga ni Brix haha. Bibilhin ko na ‘to” sabi nung isang babae na kinikilig.

“Syempre bibilhin din namin ‘to noh, si Brix pa hindi ko ito palalampasin. Hay, I love you Brix!!!” sabi nung isa pang babae.

After nun umalis na sila. Si Bea naman kinuha yung magazine na katulad ng tinitinganan nung mga babae. Lumapit din kami sa kanya.

“Ah, Brix Valmero. Yung sikat na may-ari nung Golden Paradise Hotel. In fairness, totoo gwapo nga haha” sabi ni Bea

“Oo nga haha, paradise din ang feeling kapag nakasama siya” kiniilig na sani ni Trish.

‘”Kayong dalawa puro gwapo ang nasa isip” tumatawang sabi ni Lyka.

“Uy, Michelle, Michelle ano tingin mo gwapo ba?” tanong ni Bea.

“Hay, naku Bea si Michelle pa tinanong mo. Bulag yan pagdating sa mga gwapong lalaki, hindi yan marunong tumingin haha” pang-aasar ni Trish.

Si Michelle naman inirapan lang si Trish, nagtawanan tuloy kami.

After that, nagbayad na sila Bea at Trish pero hati-hati kami sa kun magkano ang napamili naming. Kami naman nila Lyka at Michelle kumakain ng ice cream habang hinihintay sila Bea. Dahil sa mga kaibigan ko nakalimutan ko ang nangyari sa pagitan naming ni sir.

Napatingin ako kay Lyka at Michelle pareho silang abala sa pagkain ng ice cream pero parang may kakaiba kay Michelle.

“Ayos ka lang ba, Michelle?” nag-aalala kong tanong sa kanya.

“Kanina ka pa tahimik” sabi ni Lyka, napansin din pala niya yun.

Tumingin siya sa amin.

“Okay lang ako. Pagod lang siguro ito kanina dahil may tinapos akong report dapat kasi next week pa yun ipapasa nagbago pala yung deadline dapat maipasa ko na daw yun bukas” sagot niya

Kaya pala kanina sobrang busy niya at dahil doon ay hindi siya sumabay maglunch sa amin.

Dumating na sila Trish at Bea, umalis na kami at umuwi.

Pagdating namin sa apartment, kaming tatlo naman ang nag-ayos ng mga pinamili naming. Pagkatapos naming gawin yun ay dumiretso na kami sa sala.

“Uy, grabe single, very successful and very handsome itong si Brix katulad ng mga naggwa-gwapuhang boss natin haha” sabi ni Trish

“Hindi ko alam na binili nyo yung magazine na yan” sabi ko sa kanila

“Syempre Zea ,curious kami kay Brix eh” sagot ni Bea

“Sabi nyo kanina Brix Valmero ang name niya, parang familiar sa akin yung panagalan nay un” sabi ni Lyka

“Kilala talaga siya dati pa pero sa pangalan lang ngayon lang kasi siya pumayag na magpakuha ng picture para i-feature sa isang magazine. Sabi ditto sa interview niya, humingi daw ng favor yung lolo niya sa kanya na pumayag na siyang mai-feaure sa business magazine” mahabang sabi ni Bea.

“Ngayon lang tuloy niya nailantad ang kagwapuhan niya haha” sabi ni Trish.

Lyka’s POV

Natatandaan ko na kung bakit pamilyar sa akin yung pangalang Brix Valmero. Hindi yun dahil sikat siya. Siya kasi yung apo ng kaibigan ni papa na si Don Agathon Valmero. Nakwento kasi sa akin ni papa na few years ago nung kasisimula pa lang ni Brix na i-manage yung hotel nila ay bigla na lang nawala si Brix sa loob ng mahabang panahon.Hinanap ni Don Agathon si Brix tumulong din sa paghahanap ang papa ko ngunit ang paghahanap daw nila ay pasekreto dahil hindi ito ipinaalam sa press. Sa kahit na anong paraan ay hindi daw nila matagpuan si Brix. Halos mawalan na daw ng pag-asa si Don Agathon dahil baka may nangyaring masama sa nag-iisa niyang apo. Hindi nila ito pwedeng macontact dahil nung araw na mawala si Brix ay naiwan nito ang cellphone sa hotel nila. Pero one day, sabi ni papa bigla na lang daw umuwi si Brix . Hindi niya sa akin sinabi kung ano yung dahilan ng pagkawala ni Brix at ang alam ko hanggang ngayon ay itinago nila Don Agathon yung pagkawala ng apo niya sa press. Kaya ayun sila lang ang nakakaalam kung ano talaga ang nangyari kay Brix.

Never ko pang nakita si Brix personally pero curious ako kung ano talaga ang nangyari sa kanya nung mga panahon na bigla siyang nawala.

Far Better ThanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon