Chapter 5

846 9 3
                                    

Chase’s POV

“S-seryoso ka pare? Siya ba talaga yun?” sabi ko

“Oo”

Natahimik akong bigla. Hindi ako makapaniwala na si Zea yun. Paano naman mangyayari yun sa kan---

“Alam kong tanga ka paminasan – minsan pero hindi ko alam na ganun ka katanga para gawin yun sa kanya” sabi ko uli

“Alam ko” sabi niya na parang nalulungkot

Hay, buhay nga naman napaka-unexpected.

Na-udlot ang pag-uusap naming ng may biglang kumatok.

“Come in” sabi ko

“Sir” si Lyka pala yun

“Yes?”

“Sir, I’m just informing you that you have a meeting with Mr. Ly at 2 p.m”

“Yes, yes, thanks for informing me” sabi ko, nakalimutan ko nga iyon dahil kay Jace

Napatingin ako sa wall clock 1:10 na pala.

“Jace, may meeting pa ako”

“Yes, I know. Aalis na din naman ako” sabi niya

Sabay na kaming umalis sa kompanya. Nang nasa lobby na kami nakita namin si Zea at ang mga kaibigan niya.

“Good afternoon Sir Chase and Sir Jace” bati nila sa amin. Pero si Zea ngumiti lang sa akin pero hindi kay Jace.

“Good afternoon” bati ko din sa kanila.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad.

“Hindi man lang niya ako tiningnan” narinig kong bulong ni Jace

“Asa ka pa. Kung ako din naman yun baka nga hindi din kita tingnan mas lalo naman na hindi din kita kakausapin” sabi ko

“Pare kaibigan ba talaga kita?”

“Oo naman kaya nga ako nagsasabi ng totoo” sagot ko.

Zea’s POV

Nasa apartment na kami ngayon. Nanunuod na kami ng mga palabas sat v. Grabe yung araw na ito nakakapagod. Buti na lang day-off naming bukas.

Nagpaalam na ako sa kanila na matutulog na ako.

Nitong mga nakaraang gabi parati kong napapaginipan yung nangyari two years ago. Parati nalang akong gumigising na umiiyak.

Sa totoo lang nung nangyari yun. Wala akong pinagsabihan nun. Hindi alam ng pamilya ko kahit ng mga kaibigan ko(friends ko nung high school)

Yung time na yun hindi ko pa nakikilala sila Bea, Lyka, Michelle at Trish. Pero nung nagyari yun ito yung naging dahilan para makilala ko sila.

Far Better ThanWhere stories live. Discover now