Chapter 30

447 12 0
                                    

Trish’ POV

Umaga na naman. Good morning na lang world and thank You so much Lord for waking me up. At least buhay pa ako haha.

Medyo special ang day na ito kasi pupunta kami ng Golden Paradise Hotel. Well, mamayang gabi pa naman yun pero super excited na ako haha never pa akong nakapunta dun eh. Ngayong umaga ay wala kaming pasok sa opisina syempre kailangan naman naming magpahinga noh. By the way, pupunta kami nung hotel dahil may celebration kaming mga employes ng HR Department, ni-request kasi yun ni Mrs. Abenzala sa dami ng trabahong ginawa naming nung mga nakaraang linggo.

Bumangon na ako sa kama at pumunta sa banyo and I did my morning ritual. After that, bumaba na ako sa sala and as expected gising na silang lahat kung sa bagay past nine o’ clock na.

“Tapos na kaming magbreakfast Trish” sabi ni Lyka habang nanunuod sila ng tv.

Sumimangot ako. “Di nyo man lang ako hinintay. Kumain na kagad kayo ng wala ako”

“Gutom na kaya kami kanina” –Bea

Dumiretso na ako sa kusina at kumain akong mag-isa. Minadali ko yung pagbrebreakfast ko at napangiti dahil sa naisip ko. Bumalik na uli ako sa sala at hinarap silang apat.

“Problema mo?” tanong ni Michelle. Kaya yan nagtanong dahil nakangiti ako na parang ewan at nakatingin sa kanila.

Lumapit ako kay Zea.

“Bakit?” tanong niya. Halatang nagtataka haha.

“Anong nangyari kagabi ha? Bakit nandidito si Sir Jace kagabi? Anong pinag-usapan nyo?” Kaya  ko siya tinatanong dahil nung time na pumunta si Sir Jace dito nagulat talaga kami hindi nga namin kung paano niya nalaman na ditto kami nakatira. Tapos nung nitanong naming siya kung bakit siya nandidito sabi niya gusto niyang maka-usap si Zea. Kaya ayun din na namin siya kinulit kung anuman yung pa-uusapan nila nakakahiya naman kasi boss namin yan eh. Kahit naman paano alam din naman naming mahiya kaya kay Zea na lang ako magtatanong.

“Wala naman” sagot niya. Hindi yan nakatingin sa akin dahil nanunuod ng tv show.

“Paanong wala? Hindi naman pupunta si Sir Jace para lang sa wala.” Sabi ko pa.

“Tanong ka ng tanong Trish” sabi ni Bea inirapan ko lang siya.

“Well curious kaya ako. Kayo din naman ah. Matagal ko nang nahahalata na parang may gusto si Sir Jace kay Zea dun sa nagcompany outing tayo parang gustong lapitan ni sir si Zea tapos nung kumain din sila Sir Jace kasama si Sir Chase dun sa cafeteria tingin ng tingin siya kay Zea eh.”

Natahimik silang lahat dahil sa napakahaba kong sinabi.

“Oo nga Zea. Nahahalata yun naming apat. Tapos yung day na nagcollapse ka si Sir Jace yung nagdala sa iyo sa clinic halatang nag-aalala siya saiyo nun.” Sabi naman ni Bea.

“Zea kung may pinoproblema ka nandidito naman kami eh, pwede mo naman kaming pagsabihan” –Michelle

“Kaibigan mo kami Zea” –Lyka

I heard Zea sigh. A deep sigh.

Pagkatapos nun ngumiti siya sa amin.

“So anong nangyari kagabi?” tanong ko na naman.

“H-he wanted to court me” –Zea

Napangiti kaming apat. “Really?” –Bea

Tumango siya.

“And?” –Lyka

“And I said n-no” –Zea

“Pero b-bakit?” –Bea

Far Better ThanWhere stories live. Discover now