Far Better Than

2.6K 12 2
                                    

         “Zea twenty-four years old ka na hindi ba?!” sigaw ng ka-opisina kong si Beatrice.

          Nasa cafeteria kami ng kompanya kasama ko ang mga ka-opisina ko at itinuturing ko na ding malalapit na kaibigan sila Beatrice, Michelle, Lyka at Trish. Nasa HR Department kaming tatlo samantalang si Lyka ay ang secretary ng president at may-ari ng kompanya na si Mr. Chase Villareal.

Habang kami ay kumakain ay lagi kaming nagku-kwentuhan pero hindi ko na alam kung bakit na punta sa akin ang usapan.

          “Oo” maikli kong sagot na may halong pagtataka. “Bakit mo naitanong?”

          “Seryoso, wala ka pa rin nagiging boyfriend as in NBSB ka?” tanong naman ni Trish. Alam naman nila na wala akong boyfriend pero ngayon lang kasi nila ako tinanong kung may mga naging boyfriend daw ba ako dati.

          “Oo” pagkukumpirma ko. “Bakit parang hindi kayo naniniwala?”

          “Paano ba naman magdadalawang taon ka nang nagtatrabaho dito sa kompanya at sa loob ng panahong iyon ay naging magkakaibigan tayo pero wala ka man lang sa amin nabanggit tungkol sa personal mong buhay. Pagtinatanong ka namin tungkol sa love life at family mo limited lang ang sinasabi mong details.” mahabang litanya ni Michelle.

          “Pasensya na, wala naman talaga akong masyadong masasabi. Katulad nga ng sinabi ko kanina wala akong boyfriend at naging boyfriend kaya wala akong masasabi pagdating sa usapang love life kapag naman tinatanong nyo ako tungkol sa pamilya ko wala sila dito sa Manila nasa Bulacan sila, alam nyo naman yun diba?” pangangatwiran ko sa kanila.

          “Ganun lang ang sasabihan mo sa amin wala na bang iba?” sabad naman ni Lyka.

          Habang tinatanong nya ako ay napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa gilid ng cafeteria. Sinundan ni Lyka kung ano ang tinitinganan ko kaya siya na rin ang nag-ayang umalis kami dun dahil malapit na ulit ang oras ng trabaho.

          “Tara na girls, malapit ng matapos yung lunch break natin.”

          Naglalakad kami papuntang elevator nang may nahagip ang aking mata ng isang pamilyar na bulto na nakatalikod at papalabas na ng kompanya. Isang pamilyar na bulto na akala ko ay hinding-hindi ko na ulit makikita at hindi ko gugustuhin na makita.

Far Better ThanWhere stories live. Discover now