Chapter 11

806 9 1
                                    

Lyka POV

“I’m not waiting for someone”

Kahit mahina ang pagkakasabi niya narinig ko yun dahil magkatabi lang kami.

Mamaya nga pala pupuntahan ko sila Sir Chase para magreport.

Pagkatapos naming kumain at magkwentuhan tumuloy na kami sa kwarto namin.

Magpapalipas muna ako ng oras bago lumabas baka kasi mahalata nila ako. Nagtext sa akin si Sir Chase na sa isang cottage daw kami magkita-kita.

Lumabas na ako. Nanduduon na pala sila sa cottage.

“Good evening po mga sir” bati ko

“Good evening din. Maupo ka na Lyka” –Sir Chase

“So, anong balita?” –Sir Jace

Masyado naman ata siyang nagmamadali.

“Uhmm, wala naman po akong masyadong napapansin”

Maliban na lang sa napapansin ko sa inyo ni Zea, gusto ko sanang sabihin

“Pero one time po nung nanghiram po ako sa kanya ng damit para po sa aatendan naming na meeting ni Sir Chase yun lang po yung time na nakapasok ako sa kwarto niya” –ako

“Magkakasama kayo sa bahay?” –Sir Jace

“Opo”

“Gaano katagal na kayong magkakasama dun?” –Sir Jace

“Kami pong apat matagal na pero si Zea po mga siguro two years pa lang po” sagot ko

Habang sinasabi ko yun napansin ko na biglang lumungkot yung mata ni Sir Jace.

“Katulad nga po ng sinabi ko kanina nun lang ako nakapasok ng kwarto niya.” Tapos kinuwento ko na kung ano yung napansin ko sa mga gamit niya na nakatago dun sa nakalock na ilalim ng aparador. Dinescribe ko pa kung ano yung itsura ng mga pinahiram niya sa akin para detailed ang pagkukwento ko.

“Pero nakakapagtaka po kasi eh. Hindi naman po mahilig sa ganung klaseng bagay si Zea saka alam ko po na hindi siya bibili ng ganung kamamahal na bagay.” sabi ko pa.

Jace POV

Kanina nung dinescribe ni Lyka kung anu-ano yung mga ipinahiram sa kanya ni Zea natatandaan ko na iyon yung suot ni Zea….

Nung day na yun two years ago….

So tumira pala si Zea sa isang apartment kasama sila Lyka.

Sinabi din kasi sa amin ni Lyka lahat simula nung dumating si Zea dun sa kanila.

“May boyfriend na ba si Zea?” tanong ni Sir Chase

“Wala po sir”

Nung tinanong yun ni Chase hindi ko alam pero nakahinga ako ng maluwang.

Lyka POV

“May boyfriend na ba si Zea?” tanong ni Sir Chase

“Wala po sir”

“Ganun ba? Masyado ng gabi Lyka bumalik ka na sa kwarto niyo. Salamat sa mga sinabi mo” –Sir Jace

Katulad ng sinabi ni Sir Jace pumunta na ako sa kwarto namin at nahiga.

Kung anu-ano yung nasabi ko dahil na-ikuwento ko na ata sa kanila simula ng day na dumating si Zea dun sa apartment. Tanung kasi sila ng tanong, ayan tuloy napakuwento ako ng mahaba.

Alam kong may something kina Sir Jace at Zea pero hindi ko alam kung ano.

Kanina habang nagkukwento ako si Sir Chase tahimik lang, si Sir Jace naman nakikita ko na parang may lungkot sa mata niya na parang ayaw niyang ipakita sa akin. Kakaiba din yung aura niya.

Ano bang meron? Ano ba ang nangyayari?

Ayokong tanungin si Zea kasi gusto ko malaman ko yun mula sa kanya.

Mas lalo namang ayokong tanungin si Sir Jace. Nakakahiya boss ko pa naman siya.

Pero kanina may hindi ako sinabi sa kanila. Last year kasi, naiwan ni Zea yung wallet niya sa sala.

Hindi ko naman alam na sa kanya yun kaya binuksan ko para malaman ko kung kanino. Nakita ko yung ID niya pero napansin ko na pagkatapos ko buksan yung wallet niya may nalaglag na parang note/sulat.

Alam kong wala akong karapatan na basahin yun pero binasa ko pa rin.

Sulat-kamay lang yun. Tapos may nakalagay na date siguro high school pa si Zea nung sinulat niya yun.

Agad ko naman binalik sa kanya yung wallet kasama yung note niya. Pero hindi ko siabi na nabasa ko yun.

Ang natatandaan kong nakasulat doon ay ganito:

To myself,

          PLEASE REMEMBER THAT IT SHOULD BE NEVER!!!

                                                                -From the sane part of me

Note: If you are not me, please do not ask because you don’t need to know

Far Better ThanWhere stories live. Discover now