Trish’ POV
“Tralalala.hmmmmm.hmmmmm.”
“Itigil mo nga yan mag-huhum mo” sita sa akin ni Bea
“Masaya lang ako nuh ka ba?”
“At bakit naman?”
“Hindi mo alam ha?”-ako
“Magtatanong ba ako kung alam ko” barado ako kay Bea ha.
“Ano ka ba. Today is Valentine’s Day”
“Alam ko eh ano naman?”
“Love is in the air”
“Tsss. Wala ka namang boyfriend.” Singit ni Michelle na nakikinig pala.
“Kayo din naman ah” sabi ko.
“Pare-parehas lang naman tayo” –Lyka
*ding dong* ding dong*
Tumingin sila sa akin.
“Ako na naman. Puro na lang ako” reklamo ko
Binuksan ko na yung gate.
“Ma’am may nagpapadeliver po ng flowers” sabi nung delivery boy
Kinilig naman ako bigla. In fairness ang ganda ng flowers ha.
“Para sa akin po ba?” paninigurado ko.
“Kayo po ba si Ms. Rinchi?”
Sumimangot tuloy ako. Akala ko pa naman sa akin na.
“Teka lang po ah. Tatawagin ko”
“Zea”
“Bakit?”
“Tara ditto”
“Wait, gumagawa pa ako ng chocolates”
Last year kasi nung Valentine’s gumawa din si Zea ng chocolates para daw sa aming yung lima. Mahilig kasi kaming apat sa chocolates si Zea naman hindi masyado.
“Ano ba yun Trish?” –Zea
Tinuro ko yung delivery boy.
“Ma’am may para sa inyo daw poi to. Paki-pirmahan nalang poi to”
Nakita ko sa expressions ni Zea na nagulat siya pero pumirma din naman.
“Akin kaya talaga ito?” tanong niya sa akin.
“Oo sayo daw eh. Saka tingnan mo yung flowers ganyan din yung natanggap mo nung nasa restaurant tayo dib a?”
“Sabagay” -Zea
“Walang card?” tanong ko.
“Wala eh”
Pumasok na kami sa loob ng bahay at gumayak na para pumasok sa office.
Zea’s POV
Nagtataka na ako ha. Sino naman kaya yung nagpadala ng mga bulaklak?
Iyan ang iniisip ko habang papunta na kami sa department namin.
“Uy, Zea ang kulay ata ng Valentine’s mo ha?” sabi ng kasamahan namin na si Maureen.
“Bakit mo naman iyan nasabi?” tanong ko.
Hindi niya ako sinagot pero may nginuso siya sa side kung nasaan ang table ko.
May nakapatong sa table ko na …..
Flowers?
Lumapit ako at tiningnan kung may card.
Wala akong nakita.
YOU ARE READING
Far Better Than
RomanceI smiled sarcastically when tears drop from my eyes. "Nabuhay ako ng wala ka at mabubuhay ako ng wala ka" -Zea