Chapter 8

830 9 0
                                    

Zea’s POV

“Yeheeeeeyyyyyy” excited na sabi ni Trish

“Sana mag-one week na. Excited na ako”-Bea

Kaya ganyan sila ngayon kasi sinabi ng head ng department namin na magkakaroon daw kami ng company outing, bawat department yun.

Yung ibang department nauna na. HR Department na lang ang hindi. Next week daw ang outing namin dun sa isang resort ng magmamay-ari ng kakilala ni Sir Chase.

Medyo maingay sa loob ng department namin dahil sa balita na yun. Sabagay konti lang naman ngayon yung trabaho namin kaya yung iba nag-aantay na lang ng uwian kasi tapos na sila sa ginagawa nila.

Lumipas ang oras at uwian na namin.

“Zea, pupunta kami ngayon sa mall. Bibili na kami ng mga kailangan namin para sa outing “- Bea

“Sasamahan ko lang ang mga iyan, may bibilhin din kasi ako”-Lyka

“Ah, sige. Ako na lang uuwing mag-isa” sabi ko

“Okay lang ba yun saiyo?” –Michelle

“Oo naman. Sige, ingat kayo”

“Ikaw din, ingat ka pauwi”-sabi nilang lahat

Nauna na silang umalis sa company. Inaayos ko pa yung gamit ko.

Nung nasa lobby na ako nakita ko na umuulan. Kinuha ko yung payong ko sa bag.

Nasa labas na ako. Wala pa din dumadaan na taxi.

Naalala ko tuloy dati, sanay ako na laging may kasama sa pag-uwi kahit nung nasa estudyante pa ako. Natatakot kasi ako na umuwi na mag-isa.

Pero natutunan ko na dapat na masanay ako na mag-isa. Gawin ang bagay na ako lang. Hindi lang sa umuwing mag-isa kundi sa maraming bagay.

Natutunan ko yun dahil sa nangyari dati.

Kaya ngayon kaya ko na kahit ako lang.

Hindi ko namalayan na may kotse na huminto sa tapat ko.

“Zea, hatid na kita” sabi niya

Hindi ko alam ang gagawin ko.

Kailangan kong maging okay.

Okay lang ako.

Okay lang ako.Paulit-ulit na sabi ko sa isip ko.

Please, wag lang sana akong maiyak sa harapan niya.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

“Hindi na po, Mr. Monterasia. Salamat po sa pag-offer”pagtanggi ko.

Buti naman naging buo ang salita ko sa harapan niya kahit kakaiba yung nararamdaman ko.

Hindi pa siya nakakapagsalita uli nang may dumaan na taxi.

“Mauna na po ako sa inyo” sabi ko sa kanya.

Tapos pumasok na ako sa loob ng taxi.

Jace’s POV

Nakita ko si Zea mukhang nag-aantay siya ng masasakyan.

Hindi muna ako lumapit sa kanya. Gusto ko pa siyang tingnan.

Simple pa din siya katulad ng dati. Pero dahil sa kasimplihan niya, makikita mo yung natural niyang ganda.

Pero napansin ko na parang ang lalim ng iniisip niya. Kahit medyo malayo ako sa kanya nakita ko yung lungkot sa mata niya.

Alam ko sa sarili ko na gusto ko pa rin na mapalapit sa kanya kahit na ginawa ko ang bagay na yun sa kanya.

Minaneho ko na ang kotse at lumapit sa lugar niya.

“Zea, hatid na kita” pag-ooffer ko

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

Nagtaka ako. Dahil ang akala ko hindi niya ako papansinin o kaya magagalit siya sa akin.

“Hindi na po,Mr.Monterasia. Salamat po sa pag-oofer” sagot niya

May dumaan na taxi.

“Mauna na po ako”-Zea

“Mr. Monterasia?” tanong ko sa sarili ko.

Hindi ako sanay na marinig yun sa kanya.

Bakit pakiramdam ko hindi niya gustong banggitin ang pangalan ko?

Hindi din ako sanay na pino-“po” niya ako. Siya yun eh.

Ito ang una naming pag-uusap simula nung mangyari yun. Kinausap nga niya ako ngayon  na parang walang nanyangyari. Parang wala lang sa kanya o sadyang kinalimutan na niya yun.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot. Kung nakalimutan na niya yung nanyari dati, ibig ba nun sabihin kasama na din ako sa mga nakalimutan niya.

I smiled bitterly.

Sabagay, ang tingin lang niya sa akin ngayon ay isa sa mga boss niya.  

Far Better ThanWhere stories live. Discover now