Chapter 85-Honeymoon

12.9K 180 4
                                    

RHEA'S POV

"Congrats ulit sa inyo! Mag-iIngat kayo doon!" Sigaw nila Kuya Erickson sa amin ni Kevin.
 Nandito kami ngayon sa Airport at maya-maya pa ay lilipad na kami papunta New Jersey. Doon na kami titira ni Kevin at mag babagong buhay bilang mag-asawa. :)

"Bye sa inyo mamimiss namin kayo." Sabi ko kila Kuya atsaka niyakap sila isa-isa.

After nga pala ng kasal namin bumalik na agad sa New York si Mommy kaya wala siya dito ngayon. Sila JB,Lian at Sindy ay sumabay na rin kay mommy papuntang New York ibig sabihin sila Kuya Erickson ang maiiwan dito sa Pinas. Pero nangako naman sila na dadalawin nila kaming dalawa ni Kevin sa  New Jersey.

Nagpaalam na kami kina kuya at dumeretso na sa may pre-departure area. Ilang saglit pa ay sumakay na kami ng eroplano papuntang New Jersey.

This is it.

New Life

New beginning

with My one and only Husband, KEVIN SANTOS. :)

 (Play the video here-->)

"Kamusta naman ang Misis ko?" Natatawang tanong sa akin ni Kevin.

"Okay lang naman. Excited na ako.."

"Sa Honeymoon natin?"

"Baliw! Bumalik sa New Jersey! Hahaha."

Tumawa lang kaming pareho.. Hinawakan naman ni Kevin ang kamay ko at hinalikan ito ng paulit-ulit. Ang sweet niya. :)

Hindi talaga ako makapaniwala na mag-asawa na kami ngayon. Grabe noh? Parang ang bilis ng araw. Kung noon magkaaway pa lang kami,eh ngayon? Wagas na kung maglambingan at mag-asawa na. Talagang may mga bagay talaga na di mo akalain na mangyayari sa buhay mo. Tulad ko,nung una hate na hate ko si Kevin pero ngayon inlove na inlove na ako sakanya. Nakakatuwang isipin na ang lahat ng mga di ko inakalang mangyayari ay nangyari na ngayon.

Hindi ko napansin na nakatulog pala si Kevin sa balikat ko kaya inayos ko ang pwesto niya. Hinaplos ko ang pisngi niya.. Mahal na mahal ko ang mokong na ito. Promise!

-

"Kevin nandito na tayo." Panggising ko sakanya. Nandito na kami sa Airport ng New Jersey  at kakatapos lang din lumading ng eroplano kaya agad kaming dumeretso sa may arrival area.

Sabi ni Kevin may sarili na raw siyang bahay dito kaya di na namin kailangan pumunta doon sa hotel na pinagtutuluyan niya. Matagal na rin daw kasi siyang umalis doon.

Sumakay na kami ng bus papunta sa bahay niya at ilang saglit pa ay nakarating na rin kami. Maganda ang bahay niya. Ang galing talaga na Engineer ni Kevin. Sinabi niya na rin sa akin ang tungkol sa pagiging Engineer Manager niya,kaya ako proud na proud sakanya.

Dating the Heartthrob (REVISING)Where stories live. Discover now