Chapter 46-It hurts

10.9K 170 15
                                    

JUSSEL'S POV

Bumalik na ako sa loob ng bahay samatalang yung gagong Kevin na yun ay nasa labas pa. Tsss. Nakakainis!

Pagpasok ko naman sa loob ay napansin ko naman na tinitignan ako ni Sindy. Bakit ba ganito makatingin ang babae na to? Hay nako! Maya-maya pa ay dumating na si Rhea para ibigay yung Lemonade Juice..Nilagay niya ito sa may table.

"Uhm..N-nasaan si Kevin?" Tanong niya.

"Outside." Sagot pa ni Sindy. Pansin ko naman na parang pupuntahan ni Rhea si Kevin kaya pinigilan ko siya.

"Huwag mo siyang puntahan,hintayin mo na siya ang lumapit sa iyo..Hindi yan gawain ng babae." Napatigil naman siya bigla atsaka umupo sa tabi ni Sindy.Pagkatapos nun ay iniwan ko na silang dalawa na nag-uusapa at pumunta sa may kusina.

LYLA'S POV

Haaaay. Ano kaya problema nila Kevin at Rhea,at isa pa ah si Sindy nandito..Habang naghuhugas ako ng pinggan ay biglang dumating si Jussel dahilan para mahulog at mabasag yung hinuhugasan kong plato.

"aray ko po." mahina kong sabi.. Nasugatan tuloy ako. Tsk!

"Oy..Okay ka lang ba?" Tinignan niya naman yung daliri ko at hinipan ito,sinipsip niya rin yung dugo."Sa susunod kasi mag-iingat ka..Tulong gusto mo?" Tanong niya.

"H-hindi na..O-okay lang ako.Salamat." Agad ko naman inalis yung kamay ko na hawak-hawak niya.

Hindi ko akalain na mahuhulog ang loob ko sa lalaking ito.. Hindi ko akalain na sa EX pa ng kapatid ko ako mahuhulog..Pero ang masaklap lang ay MAHAL NIYA PA RIN SI RHEA. :(

"Alam mo ba anong ginawa ng Ex mong si Kevin kay Rhea?" Napatigil naman ako bigla.

"Bakit?Anong nangyari?"

"Iniiwasan niya raw si Rhea..Pinagsasabihan niya pa raw ito ng kung ano-ano..Kung ganun lang naman din ang mangyayari,sana di ko nalang iniwan si Rhea para di niya maramdaman ang sakit na nararamdaman niya ngayon." Napayuko naman ako bigla. Hindi ko alam,pero parang gustong tumulo ng mga luha ko..

Ang lalaking nakasama ko dahil lang sa isang walang kwentang kasunduan..Ang lalaking halos sirain na ang buhay ko pati pangalan..Ang lalaking masama at lubos na kinaiinisan ko ngayon,hindi ko lubos maisip kung paano ako nahulog sa patibong niya.

Iba siya,ibang-iba siya kay Kevin. Di na ako magtataka kung maiinlove ako ng husto sa kanya,kahit pa na ex siya ni Rhea,ang kapatid ko..

"Sige..Punta muna ako sa sala ah." Tumango naman ako.

Ayoko maging karibal ang kapatid ko. :((((

Dating the Heartthrob (REVISING)Where stories live. Discover now