Chapter 44-"HER"

11K 173 10
                                    

RHEA'S POV

"Kamusta ka na,Rhea?" Agad naman nanlaki ang mga mata ko. Si Sindy??

"Sindy?Bakit ka nandito?" Tanong ko.

"Hindi mo ba na'miss ang bestfriend mo?Haler! I'm back!!" Niyakap niya naman ako bigla.

"Eh,kailan ka pa bumalik?Akala ko---"

"Nung isang araw pa. Hmm. Dito na nga ako mag-aaral sa Chassis University eh.." Kumunot naman bigla yung noo ko. Akala ko ba galit siya sa akin? Hmmm.

"Ahh ganun ba.. Ngayon ka na ba papasok?"

"Oo naman.. Wala nga lang akong uniform,kukuha pa ako.." Sabi niya. With matching smile pa. Yung smile niya na nagpapagaan ng loob ko nung magkasama pa kami noon.. Pero talaga bang hindi siya galit?

"May tanong ako Sindy..Hindi ka ba galit sa akin?" Mahinahon kong tanong.

"Ako?Hindi ah! Bakit naman ako magagalit sa iyo?Hay naku Best mabuti pang samahan mo ako sa Principal Office para malaman ko kung anong room ba ang klase ko..Tara!" Hinila niya naman ako agad. Okay. Namiss ko tong panghihila niya ng ganito sa akin. =)

"Sandali lang.. Punta muna tayo sa Clinic,yung boyfri---I-i mean friend ko kasi nasa clinic." Napakamot ako sa ulo.

"Aysus! If I know,Boyfriend mo yun.Hahaha!Tara na nga.Para makilala ko na rin siya." Naglakad na kami papuntang Clinic. Pansin ko sa mga labi niya ang kakaibang ngiti...Hindi tulad noon sa ngiti niya..

Parang may kakaiba....

Nasa labas na kami ng clinic,at nakita kong nakatayo sa labas si Paolo kasama yung mga kagrupo niya..Napansin ko naman na tumingin si Paolo kay Sindy.

"Si Kevin?Kamusta na?"

"Nandoon siya sa loob..Ginagamot pa ng nurse.."Tumingin naman siya kay Sid."Siya si Sindy diba?Yung best friend mo?"

"Oo..At dito na rin siya mag-aaral." Tumango naman siya.Pero iba yung titig ni Paolo kay Sindy.."May problema ba?" Tanong ko sakanya.

"Wala..Wala.."

"Sige..Pasok muna kami sa clinic ah..Titignan ko lang ang kalagayan ni Kevin." Tumango naman si Paolo at tinawag ko naman agad si Sindy.Pagpasok namin sa clinic,tamang-tama tapos na yung paggamot kay Kevin..Lumapit naman ako sa kanya at umupo dun sa upuan sa gilid ng kama.

"Kevin.." Mahina kong sabi. Oo nga pala,Galit pa siya sa akin dahil dun kay Jussel. Hmmmm.

"Sino siya?" Tumingin siya kay Sindy.

Dating the Heartthrob (REVISING)Where stories live. Discover now