Chapter 77-Jussel & Lyla (special chapter)

9.1K 164 0
                                    

JUSSEL'S POV

 (Play niyo video sa gilid-->)

Nagmadali na akong lumabas ng bahay para pumunta na sa mga pulis. Pero biglang may pumigil sa akin. Tinignan ko yung kamay na nakahawak sa may wrist ko at humarap sa taong 'yon.

"Lyla?"

"W-Wag."

Napakunot-noo ako..

"Anong wag?" Tumingin siya sa akin. Her eyes was full of emotions that I can't really describe.

"Please. Wag mo ng ituloy ang gagawin mo." Then she started crying "A-Ako nalang. Ako nalang yung susuko. Ako naman talaga ang may gawa nun eh. Please."

"P-pero-"

"Please. Ako nalang ang susuko. Ako ang pupunta sa mga pulis. Dito ka lang." Tapos ayun. Bigla nalang siyang tumakbo. Ilang segundo na akong nakatayo dito ng biglang may sinabi yung utak ko.

Follow her..

Tumakbo nalang ako ng mabilis para mahabol si Lyla.. Kusang gumalaw yung mga paa ko ng di ko alam. Parang may tumulak sa akin. Pero okay na rin ito. Para di siya ang makulong..Bayad ko naman ang lahat ng ito para sa kanya eh.

At mabuti naman nakita ko pa siya. Patuloy pa rin siya pagtakbo habang ako naman ay hinahabol habol siya.Nung nakalapit na ako sakanya ay agad ko siyang hinila at hinarap sa akin.

"Tang*na Lyla naman! Huwag mong gagawin yan!" Sigaw ko sakanya. I don't but I feel somethings weird now. -_-

"Bitiwan mo ako!"

"Ayoko! Ano bang problema mo Lyla ha?" Uh-Oh. Ano ba 'tong mga pinagsasasabi ko?

"Bitiwan mo nalang kasi ako! Ano ba!" Mas lalo kong hinigpitan ang paghawak sakanya. Pansin ko na umiiyak pa rin siya hanggang ngayon. "Let me go. Kailangan kong gawin ito."

"Ano bang problema mo ha?! Hayaan mo nalang na ako ang sumuko!"

"Ikaw! Ikaw yung problema ko! Ayokong mapahamak ka! Ayokong maging miserable ang buhay mo Jussel! Kasalanan ko naman ang lahat eh! Bakit kailangan ikaw pa ang gumawa nito?!"Napahinto ako bigla sa sinabi niya "Kaya hayaan mo na ako!" Hindi ko naman napansin na tumakbo nanaman pala siya.

Tss. Ang tanga ko.

Hinabol ko siya ulit. Pero sa ngayon nawala na siya agad sa paningin ko. Hindi ko alam kung saan siya napunta. Ang kulit talaga ng babaeng 'yon! Tsk! Hinanap ko siya ng hinanap pero di ko pa rin siya makita. Hanggang sa isang boses ang narinig ko sa kabilang kalye..boses ni Lyla.

Dating the Heartthrob (REVISING)Where stories live. Discover now