Chapter 68-A night to Remember

10.7K 188 3
                                    

RHEA'S POV

Iniwan kong nagtatalo 'yong dalawang yun sa harap ng school at naglakad na ako palayo sakanila. Kung saan ako pupunta yun ang di ko alam. Para akong ewan na naglalakad dito tapos umiiyak pa. Ewan ko,parang sumakit yung dibdib ko sa pinag-uusapan nilang dalawa.

May dumaan naman na taxi sa harap ko kaya pinara ko nalang ito at sumakay na. Pagdating ko naman sa bahay dire-diretso lang ako papuntang kwarto saka ako nagbihis at agad na tumalon sa kama ko. Tinakpan ko naman ng unan yung mukha ko dahil sa inis..Haaay!

*tok*tok*tok

"Rhea?" Napatayo naman ako.

"A-Ate Lyla?"

"May problema ka ba?" Umupo siya sa gilid ng bed ko.Pero imbes na sagutin ko yung tanong niya nginitian ko nalang siya "Alam mo ba kung ano ang nangyari sa amin noon nila Kevin at Michael?" Kinabahan naman ako bigla. Tinignan ko lang si ate nakangiti siya pero pansin ko sa mga mata niya na para bang nagsisisi siya o may pinagdadaanan. Yung mga ganun.

"A-Ate ano nga ba ang nangyari?" Bumuntong hininga naman siya bago magsalita.

"2nd year college ako noon. Iisang school ang pinapasukan naming tatlo nila Kevin at Michael may college at high school department kasi sa school na 'yon. Transfer din ako tulad mo. Unang araw ko palang doon sa eskwelahan na 'yon nakilala ko na agad si Kevin. Nagkabanggaan kami nung una pero di niya ako napansin kasi parang nagmamadali siya. Pero kitang-kita ko yung gwapong pagmumukha niya." 

Pansin ko yung mga ngiti sa labi ni ate,pero sa mga mata niya lungkot yung napapansin ko.

"Hindi ko nga alam kung bakit parang natameme ako nung araw na nakabanggaan ko siya. Then na realize ko nalang na may gusto na pala ako sakanya. Inalam ko ang lahat tungkol sakanya.Isa pala siyang heartthrob tapos high school pa lang siya. Natawa nga ako eh,kasi di ko akalain na magkakagusto ako sa isang high school..Nung nakakailang linggo na ako sa school na 'yon nakilala ko naman si Michael,lagi niya akong pinopormahan hanggang sa nagsimula na siyang manligaw sa akin.Pero nalaman ko nalang na bestfriend niya pala si Kevin,at dahil kay Kevin sumasama na ako sakanilang dalawa. Lagi kaming lumalabas tuwing uwian.Yung iba ko ngang kaklase eh nagtataka na sa akin,sino ba naman ang di magtataka na ang isang college student sumasama sa mga high school student. Hindi ba nakakatuwa 'yon?"

Narinig kong tumawa si ate kaya pati ako tumawa na rin. Pakiramdam ko ngayon parang gumagaan yung loob ko sa mga kinikwento ni ate. Kahit selos man lang sakanila noon ni Kevin wala akong nararamdaman ngayon.

"Sa totoo nga naaawa ako kay Michael noon kasi patuloy pa rin siyang umaasa sa akin.Wala man lang siyang kaalam-alam na si Kevin yung gusto. *sigh* Dumating yung araw na inamin ko kay Kevin ang nararamdaman ko para sakanya laking tuwa ko nga kasi gusto niya rin ako. Kaya ayun,naging kami.Sinikreto namin ni Kevin ang relasyon namin kay Michael,kapag nagsasama nga kaming tatlo pasimple lang kaming dalawa ni Kevin maglambingan eh..Pero dumating din yung time na nahuli kami ni Michael. Napakatindi ng galit niya sa aming dalawa ni Kevin at dahil doon nasira ang pagkakaibigan nilang dalawa. Nagbago si Michael,sinisiraan niya ako kay Kevin at sinisiraan niya rin si Kevin sa akin. Kung ano-ano nalang ang tsismis na kinakalat niya sa buong school laban sa aming dalawa. Muntikan na nga kaming maghiwalay ni Kevin eh. Pero alam mo,nagsisisi ako sa ginawa ko kay Michael noon. Nagsisisi ako na dahil sa akin nagbago siya..Wala nga akong karapatan magalit sakanya eh,kasi may kasalanan ako kaming dalawa ni Kevin..Baliktarin man natin ang mundo,kami pa rin ni Kevin ang may kasalanan at ang dahilan ng lahat"

Dating the Heartthrob (REVISING)Where stories live. Discover now