Chapter 72-Goodbye :"(

10.5K 140 7
                                    

RHEA'S POV

"Rhea baby tara na? Baka ma-late ka pa sa graduation niyo." Sabi ni Mommy.

Tumango nalang din ako.

Sa totoo lang parang nawalan ako ng gana na umattend sa graduation. Sana di nalang kami gagraduate para di na umalis si Kevin. :( Sana bumagal ang oras,sana makasama ko pa siya ng matagal ngayon. :(((

"Rhea,tara na." Hinawakan ako ni kuya sa balikat at ngumiti. Hindi ko napansin na kanina pa pala ako nakatayo dito sa tapat ng pinto habang hawak2x ang puti 'kong toga. Sumakay na kami ng kotse halos lahat sila pupunta sa Graduation ko..Si Mommy,Kuya,ate,baby ralph pati na rin si Jussel..

Sana nandito si daddy :(

"Okay ka lang ba Rhea?" Tanong sa akin ni ate.

"Oo ate."

Sa totoo lang hindi talaga ako okay. Hinding hindi. Kasi kapag pipilitin kong maging masaya ngayon kapalit rin naman nun ay kalungkutan dahil sa pag-alis ni Kevin.

Nasa tapat na kami ng school kaya dali-dali na akong bumaba sa kotse. Niyakap naman ako ni mommy bigla.

"Gagraduate ka na baby." Ngumiti naman ako.

"Kaya nga mommy,ang bilis talaga ng panahon." Oo mabilis talaga. Kung pwede lang sana na mas lalo pang pabilisin ang oras,gagawin ko.Para agad na bumalik dito si Kevin at para makasama ko na rin siya ulit.

Malungkot akong pumasok sa school at dumeretso sa may covered court..Umupo naman ako doon sa pwesto habang nakasimangot.. Parang di ko ata kakayanin na malayo kami ni Kevin,pero kakayanin ko nalang para sa pangarap niya. -_____- Haaaay. Nilibot ko naman ang paningin ko,nasaan kaya si Kevin ngayon? Siguro hinahanda na niya ang mga gamit niya para sa pag-alis niya mamaya..

"Uy baby girl,bakit malungkot ka ata dyan?" Si Kuya Nash. Umupo naman siya sa tabi ko "Hindi ka ba masaya dahil ga-graduate na tayo?"

"Masaya naman."

"Oh bakit ganyan yang mukha mo? Dapat naka'smile ka."

"Kasi Kuya,si Kevin-"

"Bakit?! Inaway ka nanaman ba niya?" -__________- Hala? Di pa nga tayo tapos magsalita eh.

"Maka react kuya?"

"Ayyy,sorry. Ano ba kasing problema?"

"Aalis na si Kevin pagkatapos nitong Graduation."

Dating the Heartthrob (REVISING)Where stories live. Discover now