Chapter 79-They are Back

9.5K 148 3
                                    

NASH'S POV

Papunta akong grocery store ngayon. Inutusan kasi ako ni Tita Elise na bumili ng mga ingredients para sa lulutuin niya mamayang gabi.

Isa pa,di ako sanay na tawagin siyang MOMMY,nahihiya pa rin ako eh.

Bago ako pumunta sa grocery store ay dumeresto muna ako sa puntod ni daddy.. Tuwing linggo kasi ako dumadalaw sa puntod niya. To be honest, I really missed him so much. Hindi ko nga alam kung ano pa ang silbi ng buhay ko dito sa mundo nung nalaman kong namatay siya. Pero ng dahil kayla Rhea nagkaroon ako ng lakas ng loob.

Speaking of Rhea,kamusta na kaya silang dalawa ni Kevin sa New Jersey? Hindi pa kasi kami nakakatanggap ng call galing sa kanya eh. Pero naiintindihan ko naman ang kapatid kong yon. Alam kong namiss niya si Kevin ng sobra.

Pinark ko muna saglit ang motor ko saka dumeretso sa loob ng sementeryo papunta sa puntod ni daddy.. Umupo ako sa gilid ng puntod niya at inalis yung mga dumi nito.. Nakalimutan kong bumili ng bulaklak para kay daddy,pero sige lang babalik din naman ako dito ulit..

"Dad" Bulong ko "Dad,kamusta ka na? Masaya ka na ba ngayon? Kasi ako masayang masaya na eh. Pero parang may kulang nga lang." Tumulo ang mga luha.. May isang tao akong naalala. Isang tao na minahal ko kahit di naman dapat. Isang tao na hindi naman ako gusto..Isang tao na ginamit lang ako dahil sa isang plano.

Lian Astellero,kailan ba kita makakalimutan?

Nagulang nalang ako ng biglang may umabot ng panyo sa akin. Inangat ko ang ulo ko para makita kung sino yun at nagulat nalang ako ng makita ko siya.So talagang nakalaya na siya/sila. Umupo siya sa tabi ko.

"Kahit ako madalas rin akong pumupunta dito." Kinuha ko ang panyo sakanya. Nagtaka naman ako doon sa sinabi niya kaya napatingin ako ng diretso sakanya.

"Anong ibig mong sabihin,Sindy?"

"Araw-araw akong dumadalaw dito para humingi ng tawad sakanya."Tumingin siya sa puntod ni daddy "Wala bang sinabi ang lolo mo saiyo?"

"Meron. Ang sabi niya nakalaya na daw kayo ni Lian."

"Oo,nakalaya kami ng dahil sakanya. Siya ang nagbayad at tumulong sa amin para makalaya kaming dalawa ng kapatid ko." Nanlaki ang mata ko "Humingi siya ng tawad sa aming dalawa at talagang pinagsisihan niya naman ang lahat ng kasalanan niya. Gusto niya rin humingi ng sorry saiyo kaso di niya masabi sabi" Tumayo siya at tinap ako sa balikat ko "Sorry dahil mali ang inakala ko. Sorry dahil basta-basta nalang akong gumawa ng isang bagay na alam kong mali naman. Sorry sa nagawa ko sa daddy mo." Aalis na sana siya kaso pinigilan ko siya.

"S-Sandali.. N-Nasaan si Lian?" Ngumiti siya.

"Nasa condominium namin siya ngayon. She's fine now. So, I need to go Nash." Humkbang siya ng ilang beses at muling humarap sa akin "Pakisabi na rin kay Rhea na Im really sorry"

Dating the Heartthrob (REVISING)Where stories live. Discover now