Chapter 55- Baby Ralph is missing

11.3K 167 11
                                    

RHEA'S POV

[Nawawala si Baby Ralph..]

Halos mabitawan ko na ang cellphone dahil sa narinig ko. Napatingin naman sa akin sila JB at Lian.

"Insan,anong problema?" Lumapit sa akin si JB

"S-Si Baby Ralph..N-nawawala." Halos di na ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon. Parang napanghinaan ako ng loob. Bakit si Baby Ralph pa?! Bakit pati siya nadamay dito?

"Ano?!" Napasigaw naman bigla si JB "P-pano nangyari yun?"

"Hindi ko alam" Tumingin ako kay Lian at lumapit sa kanya "May kinalaman ka ba dito?!"

"Sa tingin mo magagawa ko yun kung kausap ko naman kayo ngayon?"

"Malalagot ka sa akin Lian kapag may masamang nangyari sa kapatid ko!" Inirapan ko naman siya atsaka hinila ko na si JB. Bago pa man kami makalabas sa condo niya ang nagsalita siya muli.

"Sa tingin mo makakaya niyo kami?Hahaha. Alam ko sa mga oras na 'to gumagawa na siya ng paraan."

"Sino?"

"My lovely Sister." Ano daw? May kapatid siya?! Ibig sabihin nito hindi lang si Lian ang may gawa ng lahat ng ito? Ibig sabihin nagtutulungan sila ng kapatid niya?!

Muli akong lumapit kay Lian "Yung mga nangyari sa akin sa school,sinong may gawa nun?"

She chuckled "Syempre! My sister. Wala ng iba. Hahaha. Natuwa nga ako nun eh."

"Magpakasaya muna kayo ng magaling mong kapatid. Darating ang araw na mabubulok kayo sa impyerno,Lian."

Aalis na sana kami kaso bigla nanaman siya nagsalita "Mag ingat2x ka Rhea,kung ayaw mo pati ang pinakamamahal mong si Kevin ay madamay dito." Napatigil naman ako bigla at humarap sa kanya. Nginitian ko lang siya,ngiting mapang-asar. Subukan niyang idamay si Kevin kung ayaw niyang makulong sa impyerno.

Lumabas na kami ni JB sa condo niya at dumeretso sa bahay.Pagdating naman namin sa bahay nakita ko agad sila kuya sa may sofa at halatang nag-aalala na sila.Nilapitan ko naman si Kuya Erickson.

"Kuya.." Hinawakan ko yung balikat niya.

"Si Baby Ralph...kailangan natin siya mahanap ngayon din. Kapag nalaman ito ni mommy tiyak na magwawala yun."sabi niya.

"Sana walang mangyaring masama sa bunso natin.." Wika pa ni ate Lyla.

"Sino ba ang nandito sa bahay kanina? Papaano siya nakuha?" Nagtatakang tanong ko.

Dating the Heartthrob (REVISING)Where stories live. Discover now